Robi Domingo, emosyonal nang tuluyan nang mamaalam ang ABS-CBN sa The Voice PH

Robi Domingo, emosyonal nang tuluyan nang mamaalam ang ABS-CBN sa The Voice PH

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Robi Domingo nang tuluyan nang mamaalam ang ABS-CBN sa The Voice

- Makalipas ang 10 taon, kinumpirma ng mga host ng kasalukuyang season ang pagtatapos ng nasabing programa

- Pinasalamatan nila ang The Voice na ipinagkatiwala ang kanilang franchise sa ABS-CBN mula pa noong 2013

- Gayundin ang mga naging coaches ng programa ay kanilang isa-isang binigyang pugay

Naging emosyonal si Robi Domingo nang tuluyan nang magsara at mamaalam ang ABS-CBN sa The Voice Philippines.

Robi Domingo, emosyonal nang tuluyan nang mamaalam ang ABS-CBN sa The Voice PH
Robi Domingo and Bianca Gonzalez(ABS-CBN News)
Source: Facebook

Isa-isa nilang pinasalamatan ang mga naging coach ng nasabing programa, mula sa kids, teens at adult edition nito sa loob ng isang dekada.

Gayundin ang mga naging host ng programa na sina Luis Manzano at maging si Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Yeng Constantino at Kim Chiu.

"Ladies and Gentlemen, it's time for one final bow," ani Bianca Gonzalez. Doon mapapansing nangingilid ang mga luha ni Robi matapos itong masambit ni Bianca.

Read also

Kathryn sa HLA: "We thought we already said our goodbyes, here we are saying our hellos"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng vide mula sa ABS-CBN News:

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.

Isa si Robi sa mga naging hosts ng singing reality competition na The Voice of the Philippines. Ilan naman sa mga naging coach ng programang ito ay sina Lea Salonga, Apl.de.ap, Bamboo at Sarah Geronimo. Gayundin sina Martin Nievera, KZ Tandingan at maging si Megastar Sharon Cuneta. Ilan sa mga kilalang singers na produkto ng singing competition na ito ay sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, Elha Mae Nympha at Jason Dy.

Samantala, magbubukas naman muli umano ngayong Hunyo ang 'Bahay ni Kuya' o ang Pinoy Big Brother House. Kinumpirma ito ni Direk Lauren Dyogi na muling magkakaroon ng bagong edisyon ang PBB kung saan tatagal ang mga housemates doon sa loob ng isang daang araw. Ilan sa mga naging produkto ng reality show na ito ay sina Kim Chiu, Melai Francisco,Elise Joson, Loida Andalio, at mrami pa umanong iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel