Sue Ramirez, emosyonal na naikwento kung paano siya namaalam sa kanyang ama

Sue Ramirez, emosyonal na naikwento kung paano siya namaalam sa kanyang ama

- Hindi napigilan ni Sue Ramirez na maluha habang ikinikwento kung paano siya namaalam sa kanyang ama

- Isa umano ito sa napag-usapan nila sa panayam sa kanyang ni Karen Davila sa YouTube channel nito

- Aniya, 11 na taon ding pinahirapan ng stroke ang kanyang ama hanggang sa humantong sa puntong na hiningi na ng mga doktor nito ang desisyon ng kanilang pamilya

- Aminado si Sue na kulang pa umano ang oras na nakapiling niya ang kanyang ama gayung halos lumaki siyang may karamdaman na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naluha ang 'The Broken Marriage Vow' actress na si Sue Ramirez nang maikwento niya kung paano silang pamilya namaalam sa kanyang ama.

Sue Ramirez, emosyonal na naikwento kung paano siya namaalam sa kanyang ama
Sue Ramirez, emosyonal na naikwento kung paano siya namaalam sa kanyang ama
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napag-usapan nila ni Karen Davila nang makapanayam siya ng batikang broadcaster sa kanyang YouTube channel.

Read also

Cristy Fermin sa lumabas na larawan nina Diego at Barbie; "Mga batang pag-ibig kasi ito"

Ayon kay Sue, hanggang sa huling sandali ng ama, hindi raw sila nito pinahirapan.

Sa loob kasi ng 11 taon na dumanas ito ng stroke, dumating na sa puntong tinanong na sila ng doktor kung ano ang desisyon ng pamilya kaugnay sa kalagayan ng ama na noo'y naka-life support na lamang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Naiyak si Mommy sabi niya, 'tingnan niyo si Dada niyo, hanggang sa kahuli-hulihang hininga niya hindi na niya ako pinahirapan. Hindi na niya hinayaan ang mommy ko to pull the plug Miss Karen... Doon ko na-realize na noong gabi kinakausap ko siya naririnig pa pala niya ako," naluluhang kwento ni Sue.

Aminado naman si Sue na kulang pa umano ang oras na nakasama niya ang ama na isang napakabuting tao.

Nagkataon lamang na sa mahabang panahon ng kanyang paglaki ay nagkaroon na ito ng karamdaman kaya naman limitado na lang ang bonding moments nila lalo na at hirap at hindi na halos umano ito makasalita.

Read also

Mystica, nanggalaiti matapos ipahiya umano ng security personnel ng isang mall

Naikwento rin ni Sue na ang karamdaman ng ama ay isa sa mga dahilan ng pagpasok niya sa showbiz

Narito ang kabuuan ng panayam kay Sue mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Sue Ramirez ay isang Kapamilya aktres sa bansa. Bahagi siya ng teleseryeng pinagbibidahan nila nina Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria, ang 'The Broken Marriage Vow'.

Ginagampanan niya ang role ni Lexy Lucero na siyang other woman ng karakter ni Zanjoe na si David Ilustre.

Naging usap-usapan kamakailan ang kanyang confrontation scene kasama sina Zanjoe at Jodi pati na rin ang mga gumaganap na magulang niya sa serye na sina Rachel Alejandro at si Art Acuña.

Isa umano ito sa mga pinakaaabangang scene ng mga tagapanood mula pa noong ipinalabas ang trailer nito noong Enero ng kasalukuyang taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel