Mystica, nanggalaiti matapos ipahiya umano ng security personnel ng isang mall

Mystica, nanggalaiti matapos ipahiya umano ng security personnel ng isang mall

- Sa kanyang YouTube channel, hindi napigilang magalit ni Mystica sa isang security personnel ng isang mall

- Ito ay matapos kumanta ni Mystica at sinita siya ng personnel at sinabihan siyang pasara na ang store

- Hindi nagustuhan ni Mystica ang pagpapahiya umano sa kanya ng personnel gayong ni-request lang naman umano ng ilang staff na kumanta siya

- Aniya, sa ilang beses na ginawa niya ito sa naturang mall ay ngayon lang siya nakarans ng ganun

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakapagtimpi si Mystica sa isang security personnel ng isang mall dahil sa paninita nito kay Mystica habang kumakanta ito sa videoke section ng isang mall. Hindi nagustuhan ni Mystica ang pamamahiya umano nito sa kanya.

Mystica, nanggalaiti matapos ipahiya umano ng security personnel ng isang mall
Mystica (www.facebook.com/realtalkwithmystica)
Source: Facebook

Ani Mystica, pinagbigyan lamang niya ang mga staff na humiling sa kanya na kumanta siya. Aniya, libre na nga lang siyang kumanta gayong binabayaran siya ng ibang tao para sa kanyang pagkanata. Harap-harapan umano siyang sinita ng naturang security personnel at nagsabi na magsasara na at pinatigil siya nito sa pagkanta.

Read also

Angeline Quinto, nabanggit ang pangalan ng kanyang baby boy habang namimili online

Katwiran pa ni Mystica, pinagpapasensiyahan naman sana niya noong una ang naturang security personnel ngunit nang mapagtanto niyang napahiya siya ay hindi na siya nakapagpigil. Pinagalitan din umano nito kahit ang mga staff na naroon.

Maging ang anak ni Mystica ay nagalit din at nakipagsagutan sa personnel. Nanggaliti din ito dahil hindi man lang humingi ng dispensa ang naturang security personnel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabihan siya ng anak ni Mystica na maghingi din ng dispensa sa kanyang ina ngunit hindi umano ito nag-sorry. Kinuwestiyon niya kung bakit umano siya kailangangan humingi ng dispensa.

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

Read also

Suki ng beauty contest sa Saudi, isa na ngayong transman

Kamakailan ay sinagot din ni Mystica si Kris Aquino matapos ihayag ni Kris ang saloobin kaugnay sa paninira sa kanyang mga anak.

Naging kontrobersiyal din ang reklamo niya sa umano'y unfair treatment sa kanya sa seryeng "Owe My Love." Gayunpaman, wala umano siyang sama ng loob nang palitan siya ni Patani sa nasabing show.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel