Lauren Dyogi itinanggi ang spekulasyon na siya ang boses ni Kuya sa PBB
- Lauren Dyogi nilinaw na hindi siya ang tinig ni Kuya ng Pinoy Big Brother
- Ibinahagi niya na dahil siya ang original producer, madalas siyang napagkakamalang si Big Brother
- Binuksan din niya ang sikreto sa 20 taong tagumpay ng PBB sa kabila ng franchise loss at pandemya
- Ayon sa kanya, authenticity at interesting housemates ang susi sa longevity ng programa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nilinaw ng ABS-CBN Head of TV Production na si Lauren Dyogi ang matagal nang usap-usapan tungkol sa kanyang pagiging “Kuya” ng Pinoy Big Brother. Sa panayam ni Rico Hizon para sa ANC’s Beyond the Exchange, sinabi ni Dyogi na hindi siya ang boses sa likod ni Big Brother.

Source: Instagram
“Ever since they've associated with me being Big Brother because I was the original producer naman talaga of Big Brother, but I cannot be. They say that my voice is the same as Kuya but I cannot be in the house 24/7 so it cannot be me,” ani Dyogi.
Sa parehong panayam, tinanong din si Dyogi tungkol sa sikreto ng tagumpay ng PBB na ngayong Agosto ay nagdiriwang ng ika-20 anibersaryo. Aniya, malaking bagay na sa loob ng dalawang dekada ay patuloy na may nanonood at may bagong audience na natutuklas sa programa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“We are celebrating our 20th this August... Even our format owners are very happy that we are able to sustain a format like Big Brother for 20 years in spite of all with what happened with us, with the non-renewal of the franchise, and at the same time with the pandemic. Tayo we were able to consistently produce it. So why? I think there is a new audience na na-develop,” paliwanag niya.
Para kay Dyogi, nananatiling relevant ang Pinoy Big Brother dahil sa pagiging totoo ng konsepto at ng mga kalahok. “Tsaka nature natin chismoso tayo. Gusto natin nalalaman 'yung mga buhay-buhay ng mga tao and I think... yung format... siguro it's really appropriate na 'yung hinahanap ngayon nga mga manonood natin is authenticity and the concept of Big Brother is really bringing out the true and the authentic self of every housemate that is inside. I think key of Big Brother is really the set of housemates,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin din ng Kapamilya executive na mahalaga ang tamang pagpili ng mga kalahok sa reality show. “Critical talaga 'yung casting sa amin so I think if you continuously have interesting people to watch, the format will continue and continue to thrive on either on free TV and definitely on digital,” sabi ni Dyogi.
Si Lauren Dyogi, kilala rin bilang “Direk Lauren,” ay isa sa mga pinakamahalagang personalidad sa likod ng ABS-CBN. Isa siyang veteran director at producer na nakilala dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa paggawa ng mga dekalidad na palabas tulad ng Star Circle Quest, StarStruck (ABS-CBN version), at lalo na sa Pinoy Big Brother. Sa loob ng dalawang dekada, naging parte siya ng paghulma ng mga bagong artista at TV personalities na sumikat mula sa PBB house.
Kamakailan, umalma si Direk Lauren Dyogi sa isang insidente na kinasangkutan ng standee ng BINI member na si Sheena. Sa isang pahayag, kinondena niya ang umano’y krimen laban sa promotional material ng P-pop girl group. Binigyang-diin niya na hindi dapat binabalewala ang ganitong bagay dahil insulto ito sa mga artistang matagal na pinaghirapan ang kanilang pangalan.

Read also
Boy Abunda, kinonsulta muna ang lawyers bago nilabas ang unreleased interview ni Liza Soberano
Bukod dito, nanawagan din si Direk Lauren sa mga tagahanga ng BINI, kilala bilang Blooms, kaugnay ng viral incident na kinasangkutan nina Maloi at Aiah. Hiniling niya na maging mas responsable at maingat sa pakikisalamuha online upang maiwasan ang maling interpretasyon at hindi pagkakaunawaan. Aniya, mahalaga ang respeto at tamang suporta para mapanatiling positibo ang fandom.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh