Eksena nina Camille Prats at Katrina Halili, usap-usapan dahil sa kanilang espadahan
-Trending ang eksena nina Camille Prats at Katrina Halili sa teleseryeng "Mommy Dearest"
-Ginamit ng karakter ni Camille ang laruan ng batang naglalako bilang espada sa intense na engkuwentro
-Naalala ng mga netizens ang iconic na eksena sa “Ika-6 na Utos” kung saan may water gun confrontation din
-Naghatid ng aliw at katatawanan ang eksena sa ilang netizens habang ang iba'y napa-react ng matindi
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nag-viral online ang eksena sa episode 45 ng teleseryeng Mommy Dearest ng GMA Network, matapos magkaroon ng hindi inaasahang "Star Wars-style" na espadahan ang mga karakter nina Camille Prats at Katrina Halili.

Source: Youtube
Sa naturang eksena, makikitang nagkaroon ng matinding engkuwentro ang dalawang karakter—na tila umabot na sa sukdulan—kaya napilitang gamitin ni Camille ang panindang laruang espada ng isang naglalako. Hindi naman nagpakabog ang karakter ni Katrina at tila game na game din sa “larong matanda” kaya nauwi ang bangayan sa isang eksenang ikinagulat at ikinatuwa ng netizens.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kuwela man sa iba ang eksena, may ilan ding hindi naiwasang magkomento ng medyo seryoso. Narito ang ilan sa mga naging reaksiyon sa social media:
“Sabi siguro ng direktor, Okay na toh haha.”
“From Sarah Ang Munting Prinsesa to Star Wars real quick hahaha.”
“Isip bata siguro ang director ng pelikulang ‘to.”
“Okay nga eh, at least may humor hehehe.”
“Anong ginawa n’yo kay Camille huhuhu.”
Marami rin ang nagsabing naalala nila ang iconic na eksena mula sa seryeng Ika-6 na Utos, kung saan nag-trending ang karakter ni Georgia (Ryza Cenon) dahil sa pagbitbit niya ng water gun sa isang intense na confrontation kay Emma (Sunshine Dizon). Pareho umanong may halong intense at comic relief ang dalawang eksena—na tila naging pirma na ng ilang panghapong teleserye ng Kapuso network.
Sa kabila ng halo-halong reaksyon, tila na-achieve naman ng GMA ang layunin nitong mapag-usapan ang eksena. May nagsabi pa nga na baka sinadya na itong maging ganito para lang mag-trending.
“Hayan na naman ang GMA sa mga ganiyan, baka sinasadya para pag-usapan?” komento ng isang netizen.
Hindi man ito pang-karaniwang eksena para sa isang serye na tumatalakay sa relasyon ng mga ina at anak, nagdala naman ito ng aliw sa gitna ng madramang takbo ng kuwento.
Si Camille Prats ay dating child actress na sumikat sa papel bilang Sarah sa Sarah: Ang Munting Prinsesa. Ngayon ay isa na siyang batikang aktres sa telebisyon at nakilala rin bilang TV host. Bukod sa kanyang showbiz career, abala rin siya sa pagiging hands-on mom at negosyante.
Si Katrina Halili naman ay kilala bilang isa sa mga mahusay na kontrabida sa telebisyon. Ilan sa kanyang naging notable roles ay sa mga seryeng Marimar, Majika, at The Stepdaughters. Sa teleserye nilang Mommy Dearest, muling ibinida ni Katrina ang kanyang pagiging effective antagonist.
Camille Prats, ibinibenta ang kanilang condo na aniya'y minsan na nilang naging dream. “It has been our dream to have this as our very first family home…” ani Camille sa kanyang post tungkol sa kanilang condo na kanilang binebenta.
Kamakailan, si Camille ay nagbigay inspirasyon sa marami sa pamamagitan ng kanyang post. Isang simple pero makahulugang post ang ibinahagi ni Camille na tungkol sa pag-asa at pananampalataya, bagay na umantig sa puso ng maraming netizen.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh