Gene Padilla, ibinida ang kanyang 'Mr. Uninvited' tattoo

Gene Padilla, ibinida ang kanyang 'Mr. Uninvited' tattoo

- Ibinahagi ni Gene Padilla ang sa isang video ang kanyang pagpapa- tattoo ng “Mr. Uninvited”

- Nangyari ito matapos ang pambabatiko nang kumpirmahin ni Marjorie Barretto na hindi siya imbitado sa kasal ni Claudia Barretto

- Nilinaw ni Marjorie na wala umanong koneksyon si Claudia kay Gene at hindi na raw nito maalala ang tiyuhin

-Nagbigay naman ng makahulugang tugon si Gene sa pamamagitan ng social media post

Nagbahagi si Gene Padilla ng bagoong video kung saan makikita ang kanyang pagpunta sa isang tattoo shop. Dito ay makikita ang paglagay ng stencil para sa tattoo sa kanyang kamay kung saan makikita ang mga salitang 'Mr. Uninvited'

Gene Padilla, ibinida ang kanyang 'Mr. Uninvited' tattoo
Gene Padilla, ibinida ang kanyang 'Mr. Uninvited' tattoo (📷Gene Padilla/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang caption, simpleng isinulat ni Gene:

"Pa-tattoo ko nalang… Ganun din naman…….. ‘Mr. Uninvited’”

Matatandaang ito ang naging bansag sa kanya ng mga kritiko at ilang netizens kasunod ng isyu kaugnay sa paglabas niya ng pahayag kaugnay sa nangyari sa kasal ni Claudia Barretto.

Read also

Lolit Solis, binalikan ang dating komento tungkol sa relasyong Kobe at Kyline

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-ugat ang kontrobersya sa kasal nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo, na ayon sa pamilya ay isang pribado at tahimik lamang na okasyon. Subalit sa naging post ni Dennis Padilla, ama ng bride at kapatid ni Gene, naging usap-usapan ang tila hindi magandang karanasan sa mismong araw ng kasal. Inilahad ni Dennis ang kanyang saloobin sa hindi niya paglalakad sa anak sa altar, na sinundan naman ng reaksiyon ng kanyang mga kapatid — kabilang na si Gene.

Ngunit hindi nagpatumpik-tumpik si Marjorie Barretto, ina ni Claudia, na depensahan ang kanyang anak sa pamamagitan ng isang mahabang panayam. Dito niya tinumbok si Gene Padilla:

"Gene, ano bang nira-rant mo? First things first, no offense, you were not invited to the wedding. Si Mama lang at si Dennis,” ani Marjorie.

Dagdag pa niya, wala raw personal na relasyon si Claudia sa kanyang tiyuhin.

“Wala kayong naging relasyon.”

Nagbigay rin ng punto si Marjorie tungkol sa pagbiyahe ni Gene mula Bulacan hanggang Alabang ng maaga upang dumalo sa isang okasyong hindi naman siya inaasahang puntahan. Sa halip daw na pakalmahin ang kapatid niyang si Dennis, tila pinaigting pa umano ni Gene ang tensyon.

Read also

Kyline Alcantara sa kinasasangkutang isyu: 'I know that my intentions are clear'

Matapos ito, tila ayaw nang palalain ni Gene ang isyu at nag-post ng isang makahulugang mensahe sa social media:

“It’s okay if you say hurtful things. You don’t know me, and I don’t know you — but I still choose to send you love, peace, and prayers for healing.”

Makikita rito ang pagsusumikap ni Gene na manatiling kalmado sa gitna ng maiinit na pahayag.

Hindi rin nag-atubiling dumipensa si Dennis Padilla para sa kanyang kapatid. Sa comment section, ipinahayag niya ang suporta sa kapatid at sinabing wala namang ginawang masama si Gene.

Si Gene Padilla ay isang beteranong aktor at komedyante na nakilala sa mga palabas gaya ng Bubble Gang at iba pang comedy shows sa telebisyon. Kilala rin siya bilang isa sa mga kapatid ng aktor at komedyanteng si Dennis Padilla, ama ni Claudia Barretto. Sa kabila ng pagiging low profile sa mga nakaraang taon, lumutang muli sa spotlight si Gene dahil sa isyu ng kasal ng pamangkin, kung saan ay tila naging sentro rin siya ng hindi inaasahang drama sa pamilya.

Read also

Smokey Manaloto, super proud kay baby Kiko: "Ang pogi mo anak!"

Gene Padilla, may makahulugang 'sad reality' post ukol sa mga taong iniimbita sa okasyon.

Gene Padilla, binanggit ang ‘hindi naman invited’ sa isang comment post na umani ng pansin online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate