Kier Legaspi, naglabas ng saloobin sa pagkakawalay kay Dani Barretto: "Pinasa-Diyos ko na lang"

Kier Legaspi, naglabas ng saloobin sa pagkakawalay kay Dani Barretto: "Pinasa-Diyos ko na lang"

-Inamin ni Kier Legaspi ang kanyang panghihinayang sa oras at panahon na hindi niya nakasama ang anak na si Dani Barretto

-Sinabi ni Kier na matagal na siyang tumigil sa pag-reach out kay Dani at ipinagpapasa-Diyos na lamang ang lahat

-Ipinahayag ng aktor na bukas pa rin siya kung gugustuhin ng anak na makipag-usap o makipagkita

-Nagpaabot din si Kier ng pasasalamat kay Dennis Padilla sa pag-aalaga kay Dani noon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Kier Legaspi nang magbalik-tanaw siya sa kanyang relasyon sa anak na si Dani Barretto, anak niya sa dating nobyang si Marjorie Barretto. Sa panayam niya kay Julius Babao, inilahad ng aktor ang kanyang panghihinayang sa mga panahong hindi niya nagabayan si Dani.

Kier Legaspi, naglabas ng saloobin sa pagkakawalay kay Dani Barretto: "Pinasa-Diyos ko na lang"
Kier Legaspi, naglabas ng saloobin sa pagkakawalay kay Dani Barretto: "Pinasa-Diyos ko na lang" (📷Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

"Frustration, konti lang naman. More on nanghihinayang ako sa panahon. Nanghihinayang ako sa oras, sa panahon… Nanghihinayang ako sa mga panahon na nasaktan siya [na] dapat hindi nangyari," malungkot na saad ni Kier.

Read also

Kyline Alcantara, pinagtanggol ng kaibigan sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya

Aminado si Kier na kung naging malapit lamang siya kay Dani, sana ay nabigyan niya ito ng gabay sa mga pagsubok na pinagdaanan nito.

Ibinunyag din ng aktor na matagal na siyang tumigil sa pagsubok na makipag-ugnayan sa anak. Ipinasa na lamang niya sa Diyos ang lahat ng kanyang pag-asa para sa muling pagkikita nila. “Paano naman tayo magkikita, hinahabol kita, tumatakbo kang papalayo? Hinahabol kita, nagtatago ka. Hindi tayo magkikita. So, pinasa-Diyos ko na lang lahat. Sabi ko na basta ako, nandito lang. ‘Yun lang naman ako," ani Kier.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama’t walang komunikasyon sa anak, tiniyak ni Kier na hindi magbabago ang pagmamahal niya para kay Dani. “Kapag gusto mo akong kausapin, gusto mong magkita [tayo], nandito lang ako. At the end of the day, when it’s all said and done, laging mananaig ‘yung pag-ibig at malasakit ng isang ama sa kanyang anak,” emosyonal na pahayag niya.

Nabanggit din sa panayam ang isyu sa pagitan ni Marjorie at Dennis Padilla, ngunit pinili ni Kier na hindi makisali.

Read also

Jackie Forster, naglabas ng prangkang pahayag sa isyu ng hiwalayang Kyline at Kobe

Lubos din ang pasasalamat ni Kier kay Dennis Padilla sa kabutihan nito kay Dani noong sila pa ni Marjorie.

Si Kier Legaspi, anak ng batikang aktor na si Lito Legaspi, ay kilalang aktor noong dekada ’90 at bahagi ng mga sikat na pelikula at teleserye. Nagkaroon siya ng anak na si Dani Barretto sa kanyang dating nobya na si Marjorie Barretto, ngunit hindi naging madali ang relasyon nilang mag-ama. Sa kabila ng mga taon ng katahimikan sa pagitan nila, patuloy pa rin ang pagmamahal ni Kier para sa kanyang anak.

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Dennis Padilla ang kanyang kasiyahan sa muling pagkikita nila ni Kier Legaspi matapos ang mahabang panahon. Makikita sa larawan ang kanilang masayang ngiti habang nagse-selfie. Hindi tinukoy ni Dennis kung gaano katagal mula nang huli silang magkita, ngunit malinaw ang kanyang tuwa sa muling pagkikita.

Kamakailan, nagbahagi si Dennis Padilla ng larawan nila ni Kier Legaspi sa kanyang Instagram account. Sa caption, sinabi niyang, “Long time no see pre… Kier,” na nagpapakita ng kanilang muling pagkikita. Ang post ay nagpakita ng kanilang masayang samahan at muling pagkakaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate