Angel Locsin, nakumusta ni Ogie Diaz; nalaman ang dahilan ng paghinto pansamantala sa showbiz
- Nakumusta ni Ogie Diaz si Angel Locsin sa burol ng ama nitong namayapa kamakailan
- Doon napag-usapan nila muli ang labis-labis na pagmamahal ni Angel sa kanyang ama
- Katunayan, isa umano ito sa dahilan bakit pinili ni Angel na pansamantalang huminto sa showbiz
- Ang ama rin ang dahilan nito kung bakit niya pinasok ang industriya sa kagustuhang mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya partikular na ang kanyang ama
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagawang kumustahin ni Ogie Diaz si Angel Locsin bilang pakikiramay na rin nito sa pagkamatay ng ama ng aktres.

Source: Facebook
Ayon kay Ogie, tunay na kahanga-hanga umano ang pagmamahal ni Angel Locsin sa kanyang ama hanggang sa huling mga araw nito.
"So nagkaroon nga tayo ng chance na makausap si Angel sa wake ng kanyang dad. Grabe talaga ang love ni Angel sa 98 year old niyang ama dahil 18 days siyang natulog sa ospital matutukan lang ang kanyang daddy," ani Ogie.
"Kwento nga ng asawa nitong si Neil Arce, kaya naman nag-artista si Angel ay para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya lalo na ang ama nito. At kaya naman siya nagpursige na mag-artista ay sa encouragement din ng ama."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sinabing, isa umano sa dahilan ng pansamantalang pamamahinga ni Angel sa showbiz ay upang makapagbigay ng oras sa kanyang ama.
"Kaya naman nag-decide si Angel na huminto sa showbiz para magkaroon ng quality time sa kanyang butihing ama. Napakabuting anak talaga ni Angel ano?"
Matatandaang March 5 nang mapabalitang pumanaw na ang ama ni Angel sa edad na 98.
Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie Diaz mula sa kanyang Showbiz Update channel:
Si Angel Locsin ang isa sa mga mahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Subalit, mas tumatak sa lahat ang kanyang karakter na Darna gayung sumasalamin umano ito sa kanya nang husto maging sa totoong buhay.
Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa agaran niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.
Kilala siya sa tahimik ngunit mabilis na tumutulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad. Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang kanyang natatanggap at isa na rito si Cristy Fermin na hayagan ang pagsasabi ng magagandang salita kay Angel Locsin. Pinili muna ni Angel na magpahinga sa social media at wala rin umano sa kanyang mga kaibigan ang naglalabas ng kanyang larawan hanggang ngayon.
Hangganga sa ngayon, marami sa kanyang fans ang labis na nasasabik na mapanood muli siya sa telebisyon man o sa pelikula. Gayunpaman, marami ang nakauunawa sa desisyong ito ni Angel lalo na nang mabanggit ni Ogie Diaz na ang pamilya lalo na ang ama nito ang siyang naging dahilan nang pansamantala niyang pamamahinga sa publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Proofreading by Marisse Gulferica, copy editor at KAMI.com.gh.
Source: KAMI.com.gh