Jessica Soho, nagpaturo ng "Okay na toh!" kay Mommy Grace Tanfelix
- Nagpaturo si Jessica Soho kay Mommy Grace Tanfelix ng pamoso nitong linya na "okay na toh!"
- Si Mommy Grace ang ina ng Kapuso Star na si Miguel Tanfelix
- Nakilala rin si Mommy Grace sa kanyang mga cooking videos sa TikTok
- At kada matatapos nga siyang magluto, nasasabi niya ang mga katagang "Okay na toh!"
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Kinagiliwan ng marami si Jessica Soho sa maiksing video kung saan makikitang nagpapaturo siya ng "Okay na toh!" kay Mommy Grace Tanfelix.

Source: Facebook
Si Mommy Grace ang ina ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.
Ngunit mas nakilala si Mommy Grace sa kanyang mga cooking videos na naibabahagi niya sa TikTok.
Pagkakatapos kasi ng kanyang mga masasarap na niluluto sa kanyang malalaking kaldero at kawali, sinasabi niya ang mga katagang "Okay na toh!" kaya naman tila nae-excite din ang mga nakakapanood ng video na animo'y sila ang kakain ng inihanda ni Mommy Grace.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kaugnay nito, maging ang batikang broadcast journalist na si Jessica Soho ay nagpaturo na rin ng pamosong linya ni Mommy Grace.
"Halo, taktak, turn off the kalan. 'Yun po ang tama," ang caption ni Mommy Grace nang ibahagi niya ang video nila ni Jessica Soho.
Samantala narito ang mga komento ng netizens na naaliw sa maiksing video ng dalawa:
"Pati si Madam Jessica, napa-Okay na toh!"
"Kulang po ng headband! ang cute niyo pong dalawa"
"Aliw na aliw ako sa mga luto ni Mommy Grace na parang di sinusukat pero mukhang napakasarap! Pasado kay ma'am Jessica"
"Ahh ganu'n pala 'yun? halo, taktak turn off the stove pala bago mag "Okay na to!"
Narito ang kabuuan ng video:
Si Jessica Soho ay isang kilalang mamamahayag, TV host, at dokumentarista sa Pilipinas. Siya ay isang prominenteng personalidad sa industriya ng telebisyon at radyo. Kilala siya sa kanyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), isang dokumentaryong programa sa GMA Network na tumatalakay sa mga mahahalagang isyu, kwento ng buhay ng mga tao, at mga kakaibang kaganapan sa bansa.
Isa sa mga hindi makakalimutang episode ng KMJS ay ang tungkol kay Reymark Mariano, ang sampung taong gulang na batang marunong nang mag-araro upang makatulong sa kanyang pamilya. Sa murang edad ni Reymark, siya na ang tumutulong sa kanyang lolo na magsaka. Matapos na maitampok ang kwento ng buhay ni Reymark sa nasabing programa, dinagsa na ito ng tulong. Dahil dito, hindi na kinailangan pang umalis ang kanyang ina na isang OFW.
Bukod sa mga nakaka-inspire na kwento na ito tulad nang kay Reymark, naitampok din sa nasabing programa ang engagement noon nina Dominic Roque at Bea Alonzo. Matatandaang doon, naikwento pa ni Bea na sa tuwing pinanonood noon ni Dominic ang engagement video nila ay naluluha talaga ito. Kung marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement, marami rin ang nalungkot nang kumpirmahin nila ni Bea tuluyan na nilang tinapos ang kanilang relasyon ni Dominic. Sa ngayon, maugong naman ang relasyon ni Dominic sa aktres na si Sue Ramirez. Matatandaang nagsimula lamang ito nang mag-viral ang video at ilang larawan sa kanila na kuha 'di umano sa Siargao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh