RB Chanco sa muling pag-makeup kay Kris: "The Kris we all love and miss is still here"

RB Chanco sa muling pag-makeup kay Kris: "The Kris we all love and miss is still here"

- Nagbahagi ng kanyang saloobin ang makeup artist na si RB Chanco ukol kay Kris Aquino

- Ito ay matapos niya itong mabigyang serbisyo sa pagdalo sa Stargate PeopleAsia ngayong Pebrero 25

- Umaapaw ang emosyon sa mensahe ni RB lalo na nang ilahad niya ang kondisyon ng Queen of All Media

- Ang naturang event ay ang unang pagkakataon na muli ni Kris na lumabas sa publiko dahil sa kanyang patuloy na gamutan

Makalipas ang tatlong taon, muling nakapag-make up si RB Chanco kay Kris Aquino, isang pagkakataon na hindi niya inaasahan ngunit matagal ding inasam.

RB Chanco sa muling pag-makeup kay Kris: "The Kris we all love and miss is still here"
RB Chanco sa muling pag-makeup kay Kris: "The Kris we all love and miss is still here" (RB Chanco)
Source: Facebook

Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Chanco ang kanyang labis na kaligayahan at pasasalamat na muling magawan ng makeup si Kris, na patuloy na lumalaban sa kanyang kalusugan.

Ayon kay Chanco, bagamat patuloy na nagpapakita ng kahinaan si Kris dulot ng matinding sakit, ipinagdiwang nila ang bawat sandali ng makeup session na parang isang milagro.

Read also

Belle Mariano, nag-message kay Robi Domingo pagkatapos ng troll account threat

"Kris is still very sick—frail, fragile, and fighting every day—which made every makeup product and brushstroke feel like a risk," ani Chanco.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa matinding allergies at flare-ups ni Kris, natatakot siya sa reaksyon ng makeup sa mukha o katawan ng dating TV host/ actress, lalo na't hindi na ito nagsusuot ng makeup mula nang magbago ang kanyang kalusugan.

Sa kabila ng takot, masuwerteng maliit lang ang naging reaksyon kay Kris, isang bagay na naging malaking ginhawa para kay Chanco at sa mga taong nagmamahal kay Kris.

"Her appearance was brief but deeply meaningful—a sign that she’s still here, still fighting, still moving forward," dagdag pa ni Chanco.

Ang unang pampublikong paglabas ni Kris mula nang magkasakit ay nagbigay pag-asa sa mga tagahanga at nagpatunay na ang "real queen" na kanilang minamahal ay patuloy na lumalaban at hindi sumusuko. Ayon pa kay Chanco, "The real queen, the Kris we all love and miss, is still here—stronger than we know."

Read also

Mommy D, sinorpresa ng kanyang partner sa kanilang 11th anniversary

Sa pagtatapos ng kanyang post, nagbigay ng pag-asa si Chanco na ito ay simula pa lamang ng panunumbalik ng sigla ni Kris, kaakibat ng pagbuti ng kanyang kalagayan.. "Finally, #RBeautified… again, and hopefully, just the first of many more times to come."

Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.

Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang malubhang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.

Read also

Kris Aquino, dumalo sa isang public event; ikinatuwa ng marami

Matatandaang sa kanyang social media post, minsang pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.

Sa isang episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, nabanggit niyang marami umanong mga faith healers ang kumokontak sa kanya at nais na makatulong umano sa kalagayan ni Kris Aquino. Gayunpaman, sinabi ni Ogie na mas lamang pa rin umano ang direktang pananampalataya ni Kris at nagtitiwala umano sa gamutang isinasagawa sa kanya ngayon.

Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica