Derek Ramsay, bumwelta sa basher na dinamay ang anak sa isyu nina Andi at Philmar
- Binweltahan ni Derek Ramsay ang isang basher na dinamay ang kanyang anak sa isyu nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
- Nag-post si Derek ng video kasama ang kanyang anak ngunit may netizen na nagkomento ng malisyosong pahayag tungkol sa bata
- Sinagot ito ng aktor at sinabing ito ay isang halimbawa kung gaano kasama ang mundo ngunit tinuruan niya ang anak na maging mapagpatawad
- Marami ang nagpakita ng suporta kay Derek at sinabi nilang hindi siya dapat bina-bash dahil lamang sa pagtatanggol sa kaibigang si Pernilla Sjöo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
![Derek Ramsay, bumwelta sa basher na dinamay ang anak sa isyu nina Andi at Philmar Derek Ramsay, bumwelta sa basher na dinamay ang anak sa isyu nina Andi at Philmar](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/42fb41fc830f0739.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Derek ang isang video kasama ang kanyang anak kay Ellen Adarna, kung saan kinakantahan niya ito. Ngunit imbes na purong positibong komento ang matanggap, may isang netizen na nagbigay ng malisyosong pahayag:
"That baby will eventually have a couple tattoo with a married person, how would you feel?"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi pinalampas ng aktor ang naturang komento at diretsahang sinagot ito:
"This is the perfect example of how evil the world is."
![Derek Ramsay, bumwelta sa basher na dinamay ang anak sa isyu nina Andi at Philmar Derek Ramsay, bumwelta sa basher na dinamay ang anak sa isyu nina Andi at Philmar](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/5e182b25697c41be.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Dagdag pa niya, "One thing is for sure, when my beautiful daughter grows up, she will have the kindness to forgive people like you."
Sa kabila ng pambabatikos, marami pa rin ang nagpakita ng suporta kay Derek. Maraming netizens ang nagsabing hindi siya dapat bina-bash dahil lang sa pagtatanggol niya kay Pernilla.
"I don’t think Derek deserves to be bashed by defending his friend. Pati past ni Derek nauungkat, pero wala naman talaga tayong alam sa personal na buhay ng tao."
Magugunitang nadawit si Derek sa isyu matapos siyang magsalita laban sa mga akusasyong "mang-aagaw" si Pernilla dahil sa kanyang matching tattoo na "224" kasama si Philmar. Ayon kay Derek, naiintindihan niya kung bakit nasaktan si Andi, ngunit sana raw ay hindi na lang ito ipinost ng aktres dahil makalipas lang ang isang linggo ay nagkaayos na rin sila ni Philmar.
Sa huli, nilinaw ng aktor na hindi niya inaaway ang magkasintahan, kundi ipinagtatanggol lamang ang kanyang kaibigan na apektado na ang mental health dahil sa kontrobersiya.
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
Sa kanyang IG stories ay matatandaang sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh