Kris Aquino, niligtas ni Bimby matapos mawalan ng balanse: "Daig nya ang action stars"

Kris Aquino, niligtas ni Bimby matapos mawalan ng balanse: "Daig nya ang action stars"

- Muntik nang maaksidente si Kris Aquino sa banyo matapos siyang mawalan ng balanse at tumama ang kanyang siko at tuhod sa marble wall

- Agad siyang sinaklolohan ng kanyang anak na si Bimby na mas mabilis pa umano sa isang action star at napigilan ang kanyang ulo na tumama sa pader

- Ibinahagi ni Kris na bumaba ang kanyang blood test results kaya’t patuloy siyang humihiling ng panalangin mula sa kanyang mga tagasuporta

- Sa kabila ng kanyang matinding karamdaman ay nananatili siyang matatag at patuloy na lumalaban habang unti-unting bumabalik ang kanyang lakas

Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang sakit, ngunit kamakailan ay nakaranas siya ng isang insidente sa loob ng kanilang tahanan. Ayon sa ibinahaging kuwento ni Dindo Balares, malapit na kaibigan ng aktres at TV host, muntik nang maaksidente si Kris sa loob ng banyo matapos mawalan ng balanse.

Kris Aquino, niligtas ni Bimby matapos mawalan ng balanse: "Daig nya ang action stars"
Kris Aquino, niligtas ni Bimby matapos mawalan ng balanse: "Daig nya ang action stars" (PHOTO: @krisaquino/Instagram)
Source: Instagram

Sa kanyang mensahe kay Balares, ibinahagi ni Kris na bigla siyang nanghina, dahilan upang tumama ang kanyang siko at tuhod sa marmol na dingding. Ngunit agad siyang nasagip ng kanyang anak na si Bimby.

Read also

Andrea Brillantes, wala na sa Star Magic, parte na ng talent management ni Shirley Kuan

"Praise God when I shouted Bimb, he jumped from the bed and daig nya ang action stars kasi sya, less than five seconds from when I shouted, he was there—na-prevent nya my head slamming into the marble wall. Bimb is my hero," ani Kris.

Bagama’t walang malubhang natamo, inamin ni Kris na bumaba ang kanyang blood test results. "Pangit my (latest) blood test results. More prayers," dagdag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, nananatili siyang matatag sa kabila ng kanyang pinagdadaanan. Ayon kay Balares, mas mahaba at mahimbing na ang tulog ni Kris nitong mga nakaraang linggo, indikasyon na unti-unti na niyang nababawi ang kanyang lakas.

"Allergens still in my body," paglalahad ni Kris. Sinabi naman ni Balares na napansin niyang tila nag-glow ang kutis ng aktres. Sagot naman ni Kris, "I just don’t have wrinkles, Kuya Dindo."

Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang kalusugan, patuloy ang matibay na pananampalataya ni Kris Aquino. Maraming tagasuporta ang nananalangin para sa kanyang tuluyang paggaling, habang ang kanyang anak na si Bimby ay nananatiling isang matibay na sandigan sa kanyang laban.

Read also

Dating child star na si Krystal Reyes, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Hindi napigilan ni Darla Sauler, ang TV writer at matalik na kaibigan ni Kris Aquino, ang kanyang reaksyon nang makita ang namagang paa ng Queen of All Media. Binisita ni Darla si Kris sa kanyang tahanan, kung saan makikita sa Instagram ang larawan nila ni Kris kasama si Bimby, na nakaakbay pa kay Darla.

Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate