Kasambahay ni Ellen Adarna, pinagtanggol si Pernilla Sjoo sa isyu nina Andi at Philmar
- Ipinagtanggol ng kasambahay ni Ellen Adarna si Pernilla Sjoo laban sa mga akusasyong siya ang dahilan ng hiwalayan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
- Iginiit niyang walang kinalaman si Pernilla sa isyu at may sarili itong kasintahan na isang Bisaya rin
- Sinabi rin niyang mabait, sweet, at loving si Pernilla kaya pinili na lamang nitong manahimik at i-deactivate ang kanyang social media accounts
- Nag-post na rin si Philmar ng video kung sana sinabi niyang nagkaayos na sila ng asawa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa isyu kaugnay kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, isa sa mga nadadawit ay si Pernilla Sjoo. Dahil dito, ang kasambahay ni Ellen Adarna na si Jessa Mucho ay nag-post upang ipagtanggol si Pernilla mula sa mga akusasyon ng netizens.
![Kasambahay ni Ellen Adarna, pinagtanggol si Pernilla Sjoo sa isyu nina Andi at Philmar Kasambahay ni Ellen Adarna, pinagtanggol si Pernilla Sjoo sa isyu nina Andi at Philmar](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/cef024eeea3822c2.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Sa isang Instagram story, iginiit ni Jessa na hindi dapat husgahan si Pernilla base lamang sa mga espekulasyon at maling interpretasyon ng ilang tao. Aniya, hindi si Pernilla ang dahilan ng di pagkakaunawaan nina Andi at Philmar.
“Dyan lang talaga kayo nag-focus. Wala lang kayo sa beauty ni Pern in person. Idk anong nangyari sa picture pero jusko mga animal! Basta maka-content na lang talaga. Walang kasalanan si Pern, sinabihan na kayo na walang cheating, diba?” pahayag ng kasambahay.
Dagdag pa niya, may sariling nobyo si Pernilla na isa ring Bisaya, kaya't malayong siya ang may kinalaman sa isyu. “Mabait lang talaga si Pern, very sweet and loving siya,” ayon sa kanya. Aniya, mas pinili na lamang ni Pernilla na manahimik at i-deactivate ang kanyang social media accounts upang hindi na lumala ang usapin.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Mas Pinoy pa ang puso at isip ni Pern, mas nakakaintindi pa siya kesa sa atin,” dagdag pa ng kasambahay, na tila ipinahihiwatig na mas nauunawaan pa ni Pernilla ang sitwasyon kaysa sa ibang mga Pilipino na mabilis manghusga.
![Kasambahay ni Ellen Adarna, pinagtanggol si Pernilla Sjoo sa isyu nina Andi at Philmar Kasambahay ni Ellen Adarna, pinagtanggol si Pernilla Sjoo sa isyu nina Andi at Philmar](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/ffa6a22c226f4e35.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Nag-post na rin si Philmar ng video kung sana sinabi niyang nagkaayos na sila ng asawa.
Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.
Marami ang natuwa sa video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.
Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh