Kaibigan ni Barbie Hsu, binahagi ang kanilang pamamaalam sa Taiwanese Actress
- Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu
- Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila
- Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie
- Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng emosyonal na post si Janet Chua, isang malapit na kaibigan ni Barbie Hsu, upang ipahayag ang kanilang huling pamamaalam sa biglaang pumanaw na Taiwanese actress.
Ayon kay Janet, nang marinig ang malungkot na balita, agad siyang nagpunta sa Shinkansen at dumating sa kinaroroonan ni Barbie. Sa kanyang post, sinabi ni Janet, "As soon as I heard the news, I headed straight for the Shinkansen and arrived. I see you, calm and peaceful, as beautiful as ever, just like you're sleeping. But this Sleeping Beauty is so cool. We are still heartbroken, but it seems we have no choice but to let go."
Dahil sa biglaang pagkawala ni Barbie, hindi napigilan ni Janet ang maluha. "I have endless tears to shed, and I feel indescribable sadness. No matter how much I cry, I can’t wake you up from your deep sleep," aniya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inilarawan din ni Janet ang huling sandali ni Barbie kasama ang kanyang asawa, si Oppa, na nagbigay ng matamis na halik at nagpaalam nang may labis na kalungkutan. "In the end, Oppa gave you a deep kiss and said goodbye to you affectionately. Our hearts were broken by Oppa's crying."
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, nagpahayag si Janet ng malalim na pagnanasa na muling magtagpo silang lahat: "That's enough for now. Say goodbye in love and look forward to meeting again!
Afterwards, Oppa sent me the selfie we took that day. I couldn’t help but continue to cry when looking at the photo. I still miss you. Didn’t you agree to come to my house for dinner and reunion after the New Year? How could you become an angel?"
Sinabi ni Janet na ang pagkawala ni Barbie ay isang malaking kalungkutan para sa kanyang pamilya at mga kaibigan, at patuloy niyang hinihiling ang higit pang pagmamahal at suporta para sa mga mahal ni Barbie.
"Big S passed away so suddenly. It is hard for her family and friends to accept it. They are all very sad. I hope everyone can give them more space and time, and more love and care. Isn’t Taiwan the most loving place? We who love Taiwan will still be sisters in Taiwan in our next life."
Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.
Matapos mapabalita ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon, tuluyan nang isinapubliko ni Barbie at ng kanyang mister ang kanilang paghihiwalay. Lumabas ang balita tungkol sa umano'y pinagdadaanang pagsubok ni Barbie at ng kanyang asawa Hunyo ng taong 2021.
Matatandaang mahigit tatlong buwan matapos ang kanyang divorce sa unang asawa, isinapubliko ng Taiwanese star ang tungkol sa kanyang pagpapakasal. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang mismong IG post ng South Korean rapper na si Koo Jun-yup.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh