Labi ni Barbie Hsu, ipapa-cremate sa Japan bago iuwi sa Taiwan
- Ipapa-cremate sa Japan ang labi ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu bago ito iuwi sa Taiwan
- Plano ng kanyang pamilya na magsagawa ng memorial service pagbalik nila sa Taiwan at nakiusap sila sa publiko na igalang ang kanilang pagluluksa
- Nagbakasyon si Barbie sa Hakone, Japan kasama ang kanyang pamilya at doon siya inatake ng hika bago lumala ang kanyang kondisyon dahil sa influenza
- Pumanaw ang aktres sa edad na 48 dahil sa pneumonia at naiwan niya ang kanyang asawa at dalawang anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ipapa-cremate sa Japan ang labi ng pumanaw na Taiwanese actress at “Meteor Garden” star na si Barbie Hsu bago ito iuwi sa Taiwan, ayon sa kanyang pamilya.
Ayon kay Huang Chun-mei, ina ng aktres, plano nilang magsagawa ng memorial service sa Taiwan matapos ang proseso ng cremation. Kasabay nito, nakiusap siya sa publiko at media na bigyan sila ng respeto sa kanilang pagluluksa at huwag nang sundan o kunan ng litrato ang kanilang pamilya sa mga pampublikong lugar.
Batay sa mga ulat, nagbakasyon si Barbie sa Hakone, Japan kasama ang kanyang pamilya upang ipagdiwang ang Chinese Lunar New Year noong nakaraang linggo. Noong Enero 29, sinumpong siya ng hika kaya nagdesisyon siyang manatili sa kanilang hotel room. Subalit lumala ang kanyang kondisyon kaya dinala siya sa Tokyo noong Pebrero 1 upang magpatingin sa doktor.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nadiskubre na may influenza si Barbie kaya binigyan siya ng gamot. Sa kabila nito, hindi bumuti ang kanyang lagay at kalaunan ay binawian ng buhay noong Pebrero 3 sa edad na 48 dahil sa pneumonia, komplikasyon ng influenza.
Matatandaang dati nang nagkaroon ng health issues ang aktres, kabilang ang epilepsy at mitral valve prolapse, isang kondisyon sa puso. Noong 2016, muntik na siyang bawian ng buhay matapos magkaroon ng seizure sa panganganak.
Iniwan ni Barbie ang kanyang asawang si Koo Jun-yup, isang South Korean singer at DJ, pati na rin ang kanilang 10-anyos na anak na babae at 8-anyos na anak na lalaki mula sa kanyang dating asawang si W^ng Xiaofei.
Nakikiramay ang kanyang mga tagahanga at kapwa artista sa kanyang biglaang pagpanaw, habang patuloy ang pakiusap ng kanyang pamilya para sa privacy at respeto sa panahon ng kanilang pagluluksa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh