Catriona Gray, emosyonal habang kumakanta si TJ Monterde ng 'Hanggang Dito Na Lang'
- Nahuli sa camera si Catriona Gray na lumuluha habang inaawit ni TJ Monterde ang Hanggang Dito Na Lang sa isang konsiyerto
- Dumalo sa sold-out na event ang dating magkasintahan na sina Catriona at Sam Milby at magkalapit lang sila ng upuan
- Dating engaged ang dalawa ngunit hindi natuloy ang kanilang kasal matapos kanselahin ang engagement
- Maraming netizens ang nakapansin sa emosyon ni Catriona at nagtanong kung may kaugnayan ito sa kanilang nakaraang relasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nahuli sa camera ang dating Miss Universe na si Catriona Gray na lumuluha habang tinutugtog ni TJ Monterde ang awitin nitong Hanggang Dito Na Lang sa isang sold-out na konsiyerto.
Dumalo sa nasabing event si Catriona kasama ang kanyang dating kasintahan na si Sam Milby. Kapansin-pansin na bagama’t magkalapit lamang ng ilang upuan, hindi nagkaroon ng interaksyon ang dalawa. Matatandaang engaged na sana ang dating magkasintahan, ngunit hindi natuloy ang kanilang kasal matapos kanselahin ang engagement.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil sa emosyonal na reaksyon ni Catriona, maraming fans ang nagtanong kung may kaugnayan ba ang kanyang mga luha sa naputol nilang relasyon ni Sam. Gayunpaman, nanatiling tahimik ang beauty queen at walang inilabas na pahayag hinggil sa kanyang naramdaman noong gabing iyon.
Marami namang netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Catriona, habang ang ilan ay nagpahayag ng panghihinayang sa naudlot na pag-iibigan nila ni Sam.
Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe.
Inalmahan ni Catriona Gray ang isang Faceboook page na nag-post tungkol sa kanya . Marami ang nawindang sa nilagay na pangalan sa naturang post dahil nakalagay ang apelyidong Milby sa pangalan niya. Nilinaw ni Catriona na Gray ang kanyang apelyido at hindi pa siya ikinakasal kay Sam. Pinabulaanan niya rin ang balitang kasali umano siya sa pelikulang tungkol sa buhay ni Jose Rizal.
Samantala, ibinida ni Catriona ang kanyang closet sa ikalawang bahagi ng kanyang Casa de Gray home tour. Pinaliwanag ni Catriona na kaya nakalabas halos lahat ng kanyang mga gamit dahil sa posibilidad na makalimutan niya at hindi na magamit ang mga ito. Pinakita niya rin na marami sa kanyang mga gamit ay gawang lokal at aniya ay nahilig siya sa mga ito. Para naman sa mga viewers niya ay nakakahanga si Catriona dahil kahit hindi na siya ang reigning Miss Universe ay tuloy ito sa pagtangkilik ng produktong Pilipino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh