Kim Chiu, nagbigay ng pera at regalo sa kanyang team at ABS-CBN prod staff para sa Chinese New Year
- Ipinagdiwang ni Kim Chiu ang Chinese New Year sa pamamagitan ng pagbabahagi ng biyaya sa kanyang team at production staff ng ABS-CBN
- Ibinahagi niya sa isang Instagram post kung paano naging mahalaga sa kanyang pamilya ang pagdiriwang ng Chinese New Year noong kanyang kabataan
- Kasama ang kanyang pamilya, kaibigan, at mga kasamahan sa trabaho, nagdiwang siya ng masaganang pagsalubong sa bagong taon sa pamamagitan ng lucky dishes at tradisyong Filipino-Chinese
- Para sa aktres, ang tunay na diwa ng Chinese New Year ay hindi lang ang pagsunod sa tradisyon kundi ang pagbabahagi ng kasiyahan, pasasalamat, at pag-asa sa mga mahal sa buhay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinagdiwang ng aktres na si Kim Chiu ang Chinese New Year sa isang espesyal na paraan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng biyaya sa mga taong nakatrabaho niya sa industriya.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kim ang kanyang pagkabata at kung paano naging mahalaga sa kanyang pamilya ang pagdiriwang ng Chinese New Year. “Growing up, Chinese New Year was always a celebration my family never missed. It was a time of joy, tradition, and togetherness,” aniya.
Ayon sa aktres, patuloy niyang isinasabuhay ang mga tradisyon hindi lang para sa sarili kundi para rin sa mga taong malapit sa kanya. “Now that I am older, I continue to uphold these traditions at home, not just for myself but to share them with the people close to me,” dagdag niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga taong tumutulong sa kanyang trabaho, nagdiwang si Kim ng masaganang pagsalubong sa bagong taon. Nagbahagi rin siya ng lucky dishes at sumunod sa ilang kaugalian ng mga Filipino-Chinese upang ipagpatuloy ang kanilang mayamang kultura.
Para kay Kim, ang tunay na diwa ng Chinese New Year ay hindi lamang nasa mga tradisyon kundi sa mga taong kasama sa pagdiriwang. “It’s a night of fun, gratitude, and prosperity, and I couldn’t be more thankful,” ani niya.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nagpaabot si Kim ng pagbati sa lahat at hinikayat ang publiko na ipagdiwang ang mga paniniwalang nagdadala ng positibong pananaw sa buhay. “Here’s to another year of blessings, good fortune, and love! Kung Hei Fat Choi!”
Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.
Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh