MaThon, hindi kasama sa poster na nilabas para sa 'The Breadwinner is' mediacon

MaThon, hindi kasama sa poster na nilabas para sa 'The Breadwinner is' mediacon

- Hindi dadalo sina Maris Racal at Anthony Jennings sa grand media day ng pelikulang And The Breadwinner Is ngayong Disyembre 5, 2024

- Pinaniniwalaang may kaugnayan ito sa kontrobersiyang dulot ng allegations na isinapubliko ni Jamela Villanueva

- Matatandaang naging mainit na usapin ang tungkol sa mga nilabas ni Jam kamakailan

- Nanatiling usap-usapan ang isyu, na nagdulot ng pansamantalang pagliban ng dalawa sa mga promotional activities ng pelikula

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Wala sina Maris Racal at Anthony Jennings sa listahan ng mga artistang inaasahang dadalo sa grand media day ng pelikulang And The Breadwinner Is ngayong Huwebes ng gabi, Disyembre 5, 2024.

MaThon, hindi kasama sa poster na nilabas para sa 'The Breadwinner is' mediacon
MaThon, hindi kasama sa poster na nilabas para sa 'The Breadwinner is' mediacon
Source: Instagram

Pinaniniwalaang resulta ito ng mga kontrobersiyang dulot ng cheating allegations laban sa kanila na inilabas ni Jamela Villanueva, ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings.

Ayon sa social media post ng The IdeaFirst Company, producer ng pelikula, hindi kasama sina Maris at Anthony sa listahan ng mga dadalo sa press conference.

Read also

DJ Jhaiho, ibinahaging nag-open up sa kanya si Jam Villanueva

Bagamat walang opisyal na pahayag ukol dito, pinaniniwalaang layunin nitong maiwasan ang negatibong atensyon sa pelikula, lalo na’t kasalukuyang usap-usapan ang dalawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang naturang isyu ay nagdulot ng pagkasira sa kanilang public image, na hindi umano makakatulong sa tagumpay ng pelikula ni Vice Ganda, na opisyal na kalahok sa ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Matatandaang inilabas ni Jamela Villanueva ang mga screenshot ng umano’y mensahe nina Maris at Anthony sa isa't-isa, dahilan upang sila ay pansamantalang hindi makibahagi sa promotional activities ng pelikula.

Bagamat bahagi ng pangunahing cast sina Maris at Anthony, tila isang hamon para sa production team ang makabangon mula sa kontrobersiyang ito at muling maibalik ang atensyon sa pelikula.

Ang And The Breadwinner Is… ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula Disyembre 25, 2024, bilang bahagi ng MMFF.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Read also

Kanta ni Rico Blanco na 'Wag Mong Aminin,' lalong sumakit pakinggan ayon sa netizens

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu't saring haka-haka mula sa mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate