Commodore Jay Tarriela, bumuwelta kay Sen. Robin Padilla sa isyu ng China AI video

Commodore Jay Tarriela, bumuwelta kay Sen. Robin Padilla sa isyu ng China AI video

  • Commodore Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard bumuwelta kay Sen. Robin Padilla matapos nitong ipagtanggol ang kontrobersyal na AI video ng China Daily na nagpakita sa mga Pilipino bilang “unggoy”
  • Sa kanyang Facebook post, iginiit ni Tarriela na ang transparency initiative ng PCG ay hindi propaganda kundi paraan para ipakita ang pang-aabuso ng China laban sa mga mangingisdang Pilipino at mga barko ng PCG at BFAR
  • Tinuligsa rin ni Tarriela ang pahayag ni Padilla na tinanggap umano ang insulto, at sinabi niyang hindi niya kailanman tatanggapin na unggoy ang lahi ng mga Pilipino at ang susunod pang henerasyon ng bansa
  • Ang sagutan ay naganap sa gitna ng mas pinaigting na diplomatic protest ng Pilipinas laban sa mga AI video at cartoons ng China Daily na tinawag ng DFA na “deeply offensive, distressing and unacceptable”

Nag-init ang sagutan sa pagitan ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela at Senador Robin Padilla kaugnay sa kontrobersyal na AI video ng China Daily. Sa naturang video, ipinakita ang isang unggoy na nakasuot ng barong Tagalog at salakot, na kumakatawan sa Pilipinas, habang pinapagalaw ng mga kamay na kumakatawan sa Estados Unidos at Japan bago ito binanlian ng water cannon ng China Coast Guard.

Read also

Sen. Robin Padilla, hindi pinalampas ang huling pahayag ng PCG spokesperson

Commodore Jay Tarriela, bumuwelta kay Sen. Robin Padilla sa isyu ng China AI video
Commodore Jay Tarriela, bumuwelta kay Sen. Robin Padilla sa isyu ng China AI video (📷Jay Tarriela/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post noong Biyernes, Hulyo 17, matapang na bumuwelta si Tarriela kay Padilla. “Senator Robin Padilla, with all due respect, our transparency initiative is not wartime propaganda. It is simply a means to expose Chinese aggression and harassment — particularly against our Filipino fishermen and our PCG and BFAR vessels. We do not create the incidents; we only document them,” ani Tarriela.

Dagdag pa niya, hindi dapat tanggapin ang insulto ng China. “Ako po, bilang Pilipino, ay hindi kailanman tatanggapin na unggoy ang aking lahi — at hindi ko rin matatanggap na unggoy ang mga susunod pang salinlahi ng ating bansa. Ang tunay na paggalang sa ating lahi ay ang ipagtanggol ito — hindi ang tanggapin ang pang-iinsulto!”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tinuligsa rin ni Tarriela ang pahayag ni Padilla na ang isyu ay kaugnay sa pananaw ng mga white supremacists. “Hindi po ito sa paningin ng mga white supremacist, kundi sa perspektibo mismo ng Chinese government — sila po ang gumawa at nagpakalat ng video na iyan,” giit niya.

Read also

Rider nag-iwan ng paalala sa helmet: “Buntis po ang asawa ko”

Sa kabilang banda, nanindigan si Padilla na ang transparency initiative ng PCG ay nagdudulot ng tensyon sa China. “Mr. Tarriela, it was you who drew first blood. This escalation into wartime propaganda was your genius creation,” ani Padilla. Dagdag pa niya, “Filipinos are brown, and Chinese and Japanese are yellow. We cannot deny our relativity to each other.”

Si Commodore Jay Tarriela ay kilala sa kanyang matapang na paninindigan sa West Philippine Sea at sa paggamit ng social media para ipahayag ang mga isyu ng PCG. Samantala, si Robin Padilla ay isang dating aktor na naging senador at madalas na nagbibigay ng kontrobersyal na pananaw sa mga isyu ng bansa, lalo na sa relasyon ng Pilipinas at China. Ang kanilang sagutan ay nagbigay-diin sa masalimuot na usapin ng diplomasiya, propaganda, at respeto sa lahi ng mga Pilipino.

Robin Padilla, direktang mensahe sa isang indibidwal na nais siyang mapahamak Sa artikulong ito, nagbigay ng matapang na mensahe si Padilla laban sa isang indibidwal na umano’y nais siyang siraan. Pinakita ng senador ang kanyang paninindigan at hindi pag-atras sa mga hamon na kinakaharap niya sa politika.

Robin Padilla, nagbigay ng paliwanag ukol sa komunismo Sa hiwalay na ulat, ipinaliwanag ni Padilla ang kanyang pananaw ukol sa komunismo at kung paano ito nakakaapekto sa lipunan. Nagbigay siya ng mas malalim na pagtingin sa kanyang ideolohiya at paniniwala bilang mambabatas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: