Arjo Atayde sa mga nagtatanong sa kanila ni Maine kung kailan magkakaanak: "Nasanay na kami"
- Nausisa ni Ogie Diaz si Arjo Atayde kung ano ang reaksyon nito sa mga nagtatanong kailan sila magkakaanak
- Matatandaang July ng nakaraang taon nang ikasal ang dalawa
- Kaya naman tila nasasanay na si Arjo sa tuwing may mga nagtatanong sa kanila kung bakit wala pa silang supling
- Kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng Quezon City si Congressman Arjo Atayde habang ang kanyang misis na si Maine ay patuloy na mapapanood sa Eat Bulaga
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng pahayag si Arjo Atayde kaugnay ng mga tanong tungkol sa kanilang plano ni Maine Mendoza na magkaanak sa hinaharap.
Isa ito sa nausisa sa kanya ni Ogie Diaz lalo na at mahigit isang taon na silang kasal ng nasabing Eat Bulaga host.
Ayon kay Arjo, ayaw nilang magsalita tungkol sa kanilang mga plano sa pagkakaroon ng anak dahil ito ay isang personal na bagay para sa kanilang dalawa.
“I don’t wanna speak for plans. It’s very personal to us. But there are things to consider. May eleksyon, may mga kailangan lang kami tapusin. But we were planning also in the near future,” pahayag ni Arjo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tiniyak ni Arjo na hindi sila pressured sa mga tanong na naririnig nila mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan, at madalas na nilang naririnig ang mga salitang, "Uy, wala ka pang anak?"
Aminado si Arjo na hindi nila iniiwasan ang mga ganitong tanong, ngunit tila naging bahagi na ito ng kanilang buhay mag-asawa. Ayon pa kay Arjo, kahit na may mga plano sila para sa hinaharap, nais nilang mag-enjoy muna sa kasalukuyan at maglaan ng oras sa isa't isa.
“We’ll never be just the two of us again once we have kids. So, we’re both so busy. We rarely get to enjoy. So we want to enjoy as much as we can,” dagdag pa ng aktor at kasalukuyang Congressman ng unang distrito ng Quezon City.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogi Diaz YouTube channel:
Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng respetadong aktres na si Sylvia Sanchez at kapatid ni Ria Atayde.
Matatandaang nagpakilig sa marami ang birthday greeting ni Arjo kay Maine na nilarawan niyang 'best wife.'
Samantala, sa isang panayam kay Sylvia Sanchez, pinabulaanan nito na tatakbong Mayor si Arjo ng Quezon City.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh