Aiai Delas Alas, may sagot sa "sana nadala ka na" comment ng isang netizen

Aiai Delas Alas, may sagot sa "sana nadala ka na" comment ng isang netizen

- Nagkomento ang isang netizen sa Zumba video ni Ai-Ai Delas Alas at tinuligsa ang kanyang personal na buhay

- Ayon sa netizen, dapat mag-focus na si Ai-Ai sa self-care at spiritual walk dahil sa kanyang edad

- Tumugon si Ai-Ai sa komento ng mahinahon at may patutsadang kailangan niya ng suporta

- Pinagtanggol ng kanyang mga fans si Ai-Ai at tinutulan ang pakialam ng netizen sa buhay ng aktres

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling naging tampok si Ai-Ai Delas Alas sa social media matapos magkomento ang isang female netizen sa kanyang Zumba video. Ang komento ng netizen ay tila may halong panghuhusga sa personal na buhay ng Kapuso actress.

Aiai Delas Alas, may sagot sa netizen na nagkomento sa kanyang Zumba video
Aiai Delas Alas, may sagot sa netizen na nagkomento sa kanyang Zumba video
Source: Facebook

Ayon sa netizen, "Then hanap na naman ng ibang lalaki. Naku sana nadala ka na sa edad mo ngayon, dapat self-care, family care, and most of all, your spiritual walk ang iprioritize mo, life is fleeting."

Bilog na sumagot si Ai-Ai sa komento at nagpahayag ng kanyang damdamin sa isang mahinahong sagot, "Kung wala kang magandang sasabihin, might as well no support nalang... this is not easy."

Read also

Heart Evangelista, emosyonal na ginunita ang Renewal of Vows nila ni Chiz Escudero

Nagbigay naman ng suporta sa kanya ang kanyang mga tagahanga, at karamihan ay nagbigay ng mga positibong komento bilang reaksyon sa kanyang sagot. Tinutulan din ng marami ang pakialam ng netizen sa buhay ni Ai-Ai.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang si Ai-Ai ay nagpapatuloy sa kanyang Zumba, makikita sa kanyang mga post na tumatanggap siya ng kritisismo, ngunit nanatili siyang matatag at hindi pinapayagan ang mga negatibong komento na makaapekto sa kanya.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon.

Read also

Nadia Montenegro, nagbigay ng update matapos ang kanyang heart surgery

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate