Ogie Diaz, nabalitaang nagpapadala ng food ang mommy ni Dominic kay Sue
- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang napag-alaman niya mula sa isang source ukol kina Dominic Roque at Sue Ramirez
- Ito ay matapos na kumalat ang video na nag-kiss umano ang dalawa
- Sinasabing maging ang ina ni Dominic ay nagpapadala pa umano ng pagkain kay Sue
- Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma na rin ni Javi Benitez ang hiwalayan nila ni Sue
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa November 10 episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naikwento ni Ogie Diaz ang nabalitaan niya mula sa isang source ukol sa pinag-uusapan ngayon na sina Dominic Roque at Sue Ramirez.
Ito ay matapos na kumalat ng isang video kung saan makikitang nag-kiss sina Sue at Dominic.
"Ayon sa aking source. Galing ito sa source ko ha. Bahala na sila kung gusto nila itong pabulaanan or i-confirm at madalas namang nade-deny, tapos ang ending din naman, napapatunayan," panimula ni Ogie.
"Sabi ng source ko e nanliligaw daw si Dominic kay Sue Ramirez. Oo! Ang balita ko pa e nagpapadala ng food itong si Mommy ni Dominic Roque kay Sue Ramirez. Pero ito'y nanliligaw pa lamang daw," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang kamakailan lamang ay kinumpirma naman ni Mayor Javie Benitez na hiwalay na sila ni Sue. Ayon alkalde ng Victorias City sa Negros Occidental, limang taon din ang itinagal ng relasyon nila ng aktres.
Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan mula sa Ogie Diaz, Showbiz Update YouTube:
Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang Fast Talk with Boy Abunda. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.
Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.
Noong Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh