Ivana Alawi, emosyonal na idinetalye ang dahilan bakit siya na-ospital: "I'm still recovering"
- Idinetalye ni Ivana Alawi kung ano nga ba ang dahilan bakit siya naospital
- Inilahad niya ang kanyang mga naramdaman at aminadong hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin
- Dahil dito, payo niya na magpatingin agad ang mga taong mayroong nararamdaman at huwag isawalang bahala
- Sa sakit na kanyang naramdaman, nilarawan niya ang sarili na tila mawawala na kung hindi pa siya nagpadala sa ospital
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Makalipas ang ilang araw, naglabas na ng pahayag si Ivana Alawi patungkol sa detalye bakit siya naospital.
Ayon kay Ivana, tila ito na ang pinakamatagal na panahon na inilagi niya sa ospital.
"Ngayon niyo lang makikita na ganito ang itsura ko... Day 6 sa hospital and day 6 na walang ligo," ani Ivana.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"I'm still recovering and I'm not 100% okay," dagdag pa niya.
Naikwento niyang lumaki ang kanyang tiyan, na aakalain daw na siya ay buntis.
"Siguro kung hindi ako pumunta ng ospital, feeling ko talaga wala na ako. Ganung level. Nagpapadala lang ako ng ospital nung hindi ko na kaya"
"I also got fluid in my stomach. Sobrang napuno na siya. Day by day, habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat ang fluid sa tiyan ko. Mukha akong five months pregnant!"
Nabanggit din Ivana ang pinagmulan ng kanyang naging karamdaman.
"Meron akong problem sa ovaries and that's how it started. Meron akong PCOS and dun siya nagsimula."
Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina na siyang nag-alaga sa kanya.
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyang YouTube channel:
Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.
Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.
Sa isa sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita. Bukod dito, ang lahat umano ng kikitain ng naturang video ay ihahandog niyang donasyon sa Antipolo church.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh