Ian de Leon, tanging tagapagmana ni Nora Aunor, ipinaliwanag ang tungkulin sa pamana
- Ian de Leon kinilala bilang sole legal heir ni National Artist Nora Aunor
- Itinatag niya ang Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation para sa pamana
- Mga proyekto: museum exhibits, musical, fan conventions, concerts, docu series
- Tiniyak na hindi nawawala ang ugnayan sa mga kapatid sa kabila ng legal na tungkulin
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinaliwanag ni Ian de Leon ang kanyang papel bilang tanging legal na tagapagmana ng National Artist na si Nora Aunor. Sa panayam kay Rico Hizon sa ANC program na Beyond The Exchange, sinabi ni Ian na malaking responsibilidad ang nakaatang sa kanya bilang sole heir ng kanyang ina.

Source: Youtube
“I am, legally speaking, the sole heir of mom, but, of course, the responsibility holds me accountable for many things, first and foremost, all the things that she has left behind, like her movies and her body of work, like in the music industry. And also, of course, we have to be managing all those people who truly love her,” ani Ian.
Upang mapangalagaan ang pamana ng kanyang ina, nagtatag siya ng dalawang one person corporations (OPC): ang Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation. Ang Enterprise ay nakatuon sa mga proyektong pangkomersyo gaya ng museum exhibits, musicals, fan conventions, merchandising, concerts, at docu series. Samantala, ang Foundation ay nakatuon sa mga outreach at social projects.
“The two have symbiotic relationship with each other. The Enterprise is for profit and the Foundation is for non-profit. Whatever revenue that we make from the Enterprise will go to the outreach programs, for the social projects,” paliwanag ni Ian.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nilinaw din niya na ang kanyang tungkulin bilang sole heir ay hindi nangangahulugang nawawala ang ugnayan sa kanyang mga kapatid na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth, na lahat ay adopted children ni Nora Aunor. “My responsibility here does not exclude them or erase them from any family relationships,” dagdag pa niya.
Si Ian ay anak ni Nora Aunor sa dating asawang si Christopher de Leon. Namatay si Nora Aunor noong Abril 2025, at mula noon ay naging sentro ng usapan ang pamamahala sa kanyang malawak na pamana sa pelikula at musika.
Ayon kay Ian, ang kanyang layunin ay hindi para sa sarili kundi para sa ina. “To fast-track the legacy management of mom, it has first to be legalized, and as the sole heir, it is my responsibility to do all of that work. I took on this responsibility for the sake of mom. It’s not for myself, not for anyone, it’s for her. It’s for the management of her legacy,” aniya.
Sa nakaraang artikulo ng Kami.com.ph, ibinahagi ni Lotlot de Leon ang kanyang nakakaantig na sulat para sa mga Noranians. Dito, pinasalamatan niya ang mga tagahanga ng kanilang ina na patuloy na nagbibigay ng suporta at pagmamahal sa pamilya. Ang sulat ay nagsilbing paalala na ang pamana ni Nora ay hindi lamang para sa pamilya kundi para sa lahat ng nagmamahal sa kanya. Lotlot de Leon, nakakaantig na letter para sa Noranians
Samantala, sa isa pang ulat, ibinahagi ni Ian de Leon na inaasikaso pa rin niya ang mga ari-arian ng kanyang ina. Nilinaw niya na may mga legal na proseso na kailangang tapusin upang masiguro ang tamang pamamahala sa mga naiwan ni Nora Aunor. Ang pahayag na ito ay nagbigay linaw sa publiko tungkol sa estado ng mga ari-arian ng yumaong National Artist. Ari-arian ni Nora Aunor, inaasikaso pa ni Ian de Leon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

