Pia Wurtzbach: "Ultimately, staying true to yourself is what matters"

Pia Wurtzbach: "Ultimately, staying true to yourself is what matters"

- Binahagi ni Pia Wurtzbach ang kanyang karanasan bilang isang public figure sa kanyang pinakabagong post

- Tinukoy niya ang mga hamon ng pampublikong pagsusuri at ang epekto nito sa kanyang pagiging totoo sa sarili

- Nagpasalamat siya sa mga oportunidad at suporta mula sa kanyang mga tagasubaybay

- Nagtanong siya sa kanyang mga tagasubaybay kung naranasan din nila ang mahatulan o hindi maintindihan sa ganitong paraan

Sa kanyang pinakabagong post, ibinahagi ni Pia Wurtzbach ang isang katanungan mula sa "Talk the Talk" ni Miranda July na nagtanong, “What seems easy for others but is hard for you?”

Pia Wurtzbach: "Ultimately, staying true to yourself is what matters"
Pia Wurtzbach: "Ultimately, staying true to yourself is what matters"
Source: Instagram

Ayon kay Pia, ang pagiging public figure ay may dalang benepisyo at hamon. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa mga oportunidad at suporta mula sa kanyang mga tagasubaybay, ngunit aminado siya na ang pag-navigate sa pampublikong pagsusuri ay hindi madali.

Read also

Lolo na nag-viral dahil sa pagsali sa marathon gamit ang sirang sapatos, inulan ng biyaya

Binigyang-diin ni Pia na isang simpleng komento lang ang maaaring magdulot ng matinding paghuhusga at mainit na argumento online, na nagiging dahilan upang maging labis ang pressure at mahirap i-balanse ang pagiging totoo sa sarili at ang mga inaasahan ng publiko.

Aniya, ang kanyang comment section ay halimbawa ng nagpapakita ng lawak ng isyung ito. Sa huli, iginiit ni Pia na ang pagiging tapat sa sarili ang tunay na mahalaga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagtapos siya ng tanong para sa kanyang mga tagasubaybay: “Have you ever felt judged or misunderstood in a similar way?

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015. Bago siya sumali sa mga beauty pageant ay nakilala siya bilang isang aktres.

Read also

Kampo ni Heart Evangelista, naglabas ng 'resibo' tungkol sa pag-invite kay Heart

Matatandaang bumuhos ang pagbati para kina Pia at Jeremy Jauncey matapos nilang isapubliko ang kanilang engagement. Ibinahagi ng beauty queen ang ilang pictures nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo. Hindi naman malinaw kung kailan naganap ang engagement ngunit base sa caption ni Pia, sa Amanpulo sila nag-celebrate.

Ikinasal na sina Pia at Jeremy at binahagi ito ni Pia sa pamamagitan ng isang Instagram post. Base sa kanyang post, March 24, 2023 sila ikinasal sa North Island of Seychelles. Proud na binandera ni Pia na sila ay opisyal nang sina Mr & Mrs Jauncey.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate