Mark Anthony Fernandez, napa-react nang sabihang 'Only Legend Knows'

Mark Anthony Fernandez, napa-react nang sabihang 'Only Legend Knows'

- Usap-usapan ang reaksyon ni Mark Anthony Fernandez matapos siyang biruin ng isang fan habang nasa loob ng kanyang sasakyan

- Hinabol siya ng fan na si Gilbert Lamang at binati ng linyang "Only Legend Knows," na agad namang sinagot ni Mark Anthony

- Natawa ang aktor at nakipag-apiran sa fan, na ikinatuwa ng mga netizen

- Kamakailan ay naging kontrobersyal ang aktor dahil sa umano'y maselang video na kumalat online

Usap-usapan ngayon sa social media ang reaksiyon ng aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos siyang biruin ng isang fan habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan.

Mark Anthony Fernandez, napa-react nang sabihang 'Only Legend Knows'
Mark Anthony Fernandez, napa-react nang sabihang 'Only Legend Knows'
Source: Facebook

Sa isang Facebook reel, makikitang mabilis na hinabol ng lalaki si Mark Anthony upang batiin ito ng salitang "Only Legend Knows." Agad naman itong sinagot ng aktor nang magtanong siya ng, "Opo?" at natawa na lamang nang marinig ang iconic na linya mula sa fan, na nakilalang si Gilbert Lamang, isang content creator.

Read also

Dindo Balares, may paglilinaw tungkol sa bali-balitang ikakasal na si Kris Aquino

Makikita sa video na matapos ang palitan ng biruan, nakipag-apiran si Mark Anthony kay Lamang, na ikinatuwa ng mga netizen.

Nagdulot ito ng positibong reaksiyon mula sa mga tagasubaybay ng aktor na humanga sa kanyang pagpapakumbaba. Kamakailan lamang, nasangkot si Mark Anthony sa isang kontrobersiya nang kumalat ang umano'y maselang video niya online, na hindi naman niya kinumpirma o itinanggi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mark Anthony Fernandez ay isang kilalang aktor sa Pilipinas, anak ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez at aktres na si Alma Moreno. Sumikat siya noong dekada ’90 bilang isa sa mga miyembro ng "Gwapings," isang grupo ng mga batang aktor na kinabibilangan nina Jomari Yllana, Eric Fructuoso, at Jao Mapa. Kilala siya sa mga pelikula at teleseryeng tulad ng Pare Ko, Matimbang Pa sa Dugo, at Darna, kung saan ipinakita niya ang kanyang kakayahan sa drama at aksyon.

Read also

Teacher, emosyonal na ibinahagi ang kakaibang regalong natanggap

Kamakailan ay in-interview ni Ogie Diaz si Mark Anthony Fernandez sa kanyang YouTube channel. Sa panayam, diretsong tinanong ni Ogie si Mark tungkol sa panahong natutulog siya sa loob ng musoleo ni Rudy Fernandez. Nang tanungin kung bakit niya piniling doon matulog, ipinaliwanag ni Mark na labis lang niyang namimiss ang kanyang ama.

Sa nasabing panayam ni Ogie, diretsong tinanong si Mark Anthony tungkol sa viral na larawan niya kasama ang dalawang babaeng pulis. Mahalagang balikan na naging usap-usapan online ang mga tsismis na kasama umano ng aktor ang dalawang babaeng opisyal. Nilinaw ng aktor ang mga bali-balita at itinanggi ito sa kanilang panayam, at sinabi niya, “Sabi ko nga, ‘Sana totoo.’”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate