Lolit Solis, natutuwa sa pagiging protective ni Kobe Paras kay Kyline Alcantara

Lolit Solis, natutuwa sa pagiging protective ni Kobe Paras kay Kyline Alcantara

- Natatawa si Lolit Solis sa umano’y pagsnob sa kanya ni Kobe Paras dahil sa pagiging protektibo nito kay Kyline Alcantara

- Ikinuwento ni Lolit kay Salve na humanga siya sa maalagang pagtrato ni Kobe sa kanyang nobya

- Pinuri ni Lolit ang pagmamahal ni Kobe at sinabi niyang napaka-swerte ni Kyline sa ganitong klaseng kasintahan

- Biniro ni Lolit na posibleng hindi siya imbitahin sa kasal ni Kobe at Kyline ngunit nais niyang mag-gatecrash kasama sina Salve at Gorgy

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

May nakakaaliw na kwento si Lolit Solis na ibinahagi niya kamakailan tungkol sa umano’y pagsnob sa kanya ni Kobe Paras dahil kay Kyline Alcantara. Ayon sa beteranang kolumnista, natatawa pa rin siya tuwing naaalala niya ang insidenteng ito, na nagpapakita ng matinding proteksyon ni Kobe sa kanyang nobya.

Lolit Solis, natutuwa sa pagiging protective ni Kobe Paras kay Kyline Alcantara
Lolit Solis, natutuwa sa pagiging protective ni Kobe Paras kay Kyline Alcantara
Source: Instagram

Ikinuwento ni Lolit kay Salve na humanga siya sa pagiging maalaga ni Kobe kay Kyline. Aniya, “Cute na cute ako sa isang lalaki na very protected sa GF nila. Parang precious na precious ‘yung babae para sa kanila.” Dagdag pa niya, isang pribilehiyo umano para kay Kyline ang ganitong klaseng pagmamahal mula sa isang ‘hot eligible bachelor’ na tulad ni Kobe.

Read also

Carlos Yulo, may bagong chocolate drink commercial

Aminado si Lolit na hindi maikakailang maraming humahanga at may crush kay Kobe, kaya naman maswerte umano si Kyline na siya ang piniling mahalin ng binata. Sinabi pa niya na dapat ingatan ni Kyline ang kanilang relasyon para tumagal at sana’y humantong sa kasalan balang araw. “Nice pair kung sakali at tiyak beautiful kids dahil maganda kumbinasyon nila,” dagdag ni Lolit na tila excited na rin sa posibilidad ng kanilang masayang hinaharap.

Sa biro ni Lolit, malamang daw ay hindi siya iimbitahan ni Kobe sa kasal nito. “Gatecrash kaya tayo, Salve at Gorgy, bongga!” ani pa niya sa kanyang kwento.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kyline Alcantara ay isang actress, singer, dancer, television host, advocate at endorser. Ilan sa mga seryeng kinabilangan niya ay Annaliza (2013) at Kambal, Karibal (2017). Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars noong 2010.

Read also

Posibleng motibo sa pamamaril sa mag-asawang negosyante, inilahad ng pulisya

Matatandaang naging guest sa It's Showtime kamakailan si Kyline. Ipinamalas ni Kyline ang husay niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang opening number kasama ang Baby Dolls. Naging bahagi din siya ng segment ng "Rampanalo." Ani Kyline, ikalawang guesting niya na iyon sa naturang noontime show.

Kamakailan nga ay naging kontrobersiyal si Kyline matapos ang kanyang naging komento sa TikTok video ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan. Matatandaang ang video na ito ay tungkol sa mga naranasan ni Mariel bilang isang artista na hindi gaanong sikat. Kabilang sa nakwento niya ay ang pagsampal daw sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline ngunit kinalaunan ay binura din ang kanyang komento.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate