Kylie Padilla, nagbahagi ng opinyon nya tungkol sa katangian ng isang 'good leader'

Kylie Padilla, nagbahagi ng opinyon nya tungkol sa katangian ng isang 'good leader'

- Binigyang-diin ni Kylie Padilla na ang mabuting lider ay nagsisimula sa pagiging mabuting pinuno ng kanyang sariling pamilya

- Ayon kay Kylie, ang mabuting lider ay may integridad, pagpapakumbaba, at tapat na pagmamahal sa kanyang asawa at mga anak

- Sinabi rin ng aktres na ang pagkakaroon ng pusong malapit sa Diyos ay mahalaga sa pagiging mabuting lider

- Binanggit niya na ang tunay na lider ay naglilingkod para sa kapakanan ng iba at hindi naghihintay ng kapalit

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ng aktres na si Kylie Padilla ang kanyang pananaw tungkol sa mga katangian ng isang mabuting lider, na ayon sa kanya, nagsisimula sa kakayahan ng isang lalaki na gabayan at pamunuan ang sariling pamilya. Para kay Kylie, ang pamilya ang unang yunit at komunidad ng isang tao, kaya’t dito dapat nagsisimula ang pagtuturo ng mabubuting asal, integridad, at pagpapakumbaba.

Read also

Mickey Ablan, ginunita ang isang taon ng pagpanaw ng anak na si Yza

Kylie Padilla, nagbahagi ng opinyon nya tungkol sa katangian ng isang 'good leader'
Kylie Padilla, nagbahagi ng opinyon nya tungkol sa katangian ng isang 'good leader' (Kylie Padilla | Facebook)
Source: Facebook

Sinabi ng aktres na ang isang mabuting lider ay ang lalaking may kakayahang itaguyod ang kanyang mga anak na may mabuting asal at paninindigan, at nagpapakita ng tapat at walang pag-aalinlangang pagmamahal sa kanyang asawa sa kabila ng anumang pagsubok.

Ayon kay Kylie, ang mga ganitong uri ng asal at ugali ay hindi lamang nagpapakita ng kakayahan ng isang tao na magpakatatag, kundi nagpapakita rin ng tunay na pagsasakripisyo para sa pamilya at sa kanyang pinahahalagahan.

Dagdag pa ni Kylie, mahalaga rin ang pagiging malapit sa Diyos ng isang mabuting lider. Aniya, ito ay nagpapalakas sa karakter ng isang tao at nagbibigay ng gabay sa mga desisyong ginagawa. Bilang isang lider, mahalaga ang pagkakaroon ng serbisyong may malasakit, kung saan inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sariling interes.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Mabalacat City mayor magbibigay ng P100K pabuya para mahuli ang killer ng mag-asawang negosyante

Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Kylie na ang tunay na lider ay hindi naghihintay ng kapalit kundi naglilingkod para makatulong at magbigay inspirasyon sa mga taong umaasa at tumitingala sa kanya.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon na itinaon nila sa paggunita ng Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate