Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

- Ibinahagi ni Heart Evangelista ang video na personal niyang kinunan mula sa Milan Fashion Week

- May ilang netizens na naniniwalang may patama ito sa isang tao

- Sinabi ni Evangelista sa kanyang caption sa isang naunang video na aniya ay “hindi edited” na nagdulot ng spekulasyon ng alitan

- Ang kontrobersiya ay nag-ugat matapos akusahan si Wurtzbach ng pag-post ng video mula sa isang event na hindi niya nadaluhan

Muling naging maingay ang pangalan ni Heart Evangelista matapos niyang ibahagi ang isang video na siya mismo ang kumuha sa isang runway show sa Milan Fashion Week—isang galaw na pinaniniwalaan ng mga netizens na may patama sa isang kilalang tao.

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"
Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"
Source: Instagram

Ipinakita ng aktres at fashion personality ang palabas ng Milan-based brand na Jil Sander sa kanyang Instagram page noong Miyerkules, Setyembre 18, kung saan makikita ang mga modelong rumarampa suot ang kanilang mga modernong damit.

Read also

James Reid, umano'y mahigit Php100 million ang atraso ni Jeffrey Oh sa kanya

Sa caption ng kanyang post, isinulat ni Evangelista, "Curious corners, clean lines, maximum impact," at sinamahan ito ng camera emoji at ang linyang, “Yes. Video by yours truly!” Naghatid ito ng tuwa sa mga netizens, bagama’t ang ilan ay nakakita ng “shade” o patutsada na tila hindi kinakailangan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kamakailan lang, nag-post siya ng video mula rin sa Milan Fashion Week na may caption na nagpapahiwatig na ang kanyang kuha ay "not edited."

Nagkataon din na ang mga pahayag ni Evangelista ay lumabas matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ng kapwa niya fashion week regular, si Pia Wurtzbach. Si Wurtzbach ay nasangkot sa usapin matapos akusahan ng ilang netizens ng "pagpepeke" ng kanyang attendance sa isang event sa New York Fashion Week. Naiulat din na "ninakaw" umano ni Wurtzbach ang video content ng runaway na hindi niya nadaluhan, ngunit kalaunan ay binigyan naman niya ng kredito ang totoong may-ari ng video.

Read also

Doc Willie Ong, may prangkang pahayag sa mga politiko sa Pilipinas

Ayon kay Wurtzbach, hindi siya nakarating sa palabas dahil sa traffic, kaya naisipan niyang mag-post ng video mula sa mismong fashion page upang bumawi sa team ng brand.

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate