Vice Ganda, kinuntsaba ang mga kapatid para i-prank si Nanay Rosario

Vice Ganda, kinuntsaba ang mga kapatid para i-prank si Nanay Rosario

- Sa bagong vlog ni Vice Ganda ay binahagi niya ang kanyang pagbisita sa bahay ng kanyang Nanay Rosario

- Umuwi din daw si Ion Perez sa kanila upang dalawin ang kanyang nanay kaya siya din ay naglaan ng oras para sa kanyang nanay

- Kinausap niya ang dalawang kapatid niya upang biruin ang nanay nila sa pamamagitan ng paglagay ng mga manika, karayom at kandila sa lagayan nito ng sapatos

- Biniro nila si Nanay Rosario at sinabihang nangkukulam daw ito

Sa bagong vlog ni Vice Ganda, masayang ibinahagi ng komedyante ang kanyang pagbisita sa bahay ng kanyang Nanay Rosario. Nagkataon na umuwi rin si Ion Perez sa kanilang probinsya upang dalawin ang kanyang nanay, kaya naman naglaan din si Vice ng oras para makasama ang kanyang sariling ina.

Vice Ganda, kinuntsaba ang mga kapatid para i-prank si Nanay Rosario
Vice Ganda, kinuntsaba ang mga kapatid para i-prank si Nanay Rosario
Source: Youtube

Sa vlog, makikitang kinausap ni Vice Ganda ang dalawa niyang kapatid upang magsagawa ng isang prank kay Nanay Rosario. Naglagay sila ng mga manika, karayom, at kandila sa lagayan ng sapatos ng kanilang ina, at sinadya itong ipakita sa kanya.

Read also

Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo

Sa kanilang biruan, sinabi nila kay Nanay Rosario na nangkukulam daw ito. Hirit pa ng isa sa mga kapatid ni Vice, kukulamin daw ng kanilang nanay ang isang maingay na basher ni Vice Ganda. Ang nakakatuwang prank na ito ay nagdala ng maraming tawanan at kilig sa mga tagasubaybay ng vlog ni Vice, na lalo pang nagpatibay sa kanilang samahan bilang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April. Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig. Dagdag pa niya, may wig o wala, alam niyang may mga nagmamahal sa kanya. Hindi napigilan ni April na maiyak at maging ang mga studio audience ay naging emosyonal din.

Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng "Sir". Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding "Sir" pero tinanggap lang niya ito nang walang galit. Naglabasan ang mga videos, memes, at art cards tungkol sa insidente ni Vice Ganda sa "It's Showtime". Patuloy pa rin ang bashing sa nasabing writer kahit naglabas na siya ng official statement tungkol sa isyu.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate