Senado, kinuwestiyon kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang tungkol sa nangyari kay Sandro Muhlach

Senado, kinuwestiyon kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang tungkol sa nangyari kay Sandro Muhlach

- Kinuwestiyon ni Senator Jinggoy Estrada kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang insidente kay Sandro Muhlach

- Sinabi ni Estrada na unang lumabas ang impormasyon sa publiko bago pa ito nalaman ng pamilya

- Ipinahayag ni Niño Muhlach na wala silang kinalaman sa pagkalat ng balita

- Inilunsad ng Senado ang imbestigasyon upang talakayin ang tungkol sa umano'y pangmomolestiya kay Sandro

Naging tampok sa isang pagdinig sa Senado ang tanong ni Senator Jinggoy Estrada tungkol sa kung paano nalaman ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang tungkol sa insidente ng umano’y pang-aabuso sa anak ni Niño Muhlach, si Sandro Muhlach, na kinasasangkutan ng dalawang independent contractors mula sa GMA Network.

Senado, kinuwestiyon kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang tungkol sa nangyari kay Sandro Muhlach
Senado, kinuwestiyon kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang tungkol sa nangyari kay Sandro Muhlach
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Estrada na tila may mga impormasyon na lumabas sa publiko bago pa man magsalita ang kanilang pamilya.

“Paano nalaman ni Ogie Diaz?” tanong ni Estrada sa harap ng komite.

Read also

Jessy Mendiola, sinupalpal ang basher na nagkomento tungkol sa eyebags ni Rosie

Ayon kay Niño Muhlach, maging sila ay nagulat sa biglaang paglabas ng balita sa social media. Ipinaliwanag niyang wala silang kinalaman sa pagkalat ng impormasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Hindi namin alam kung paano ito lumabas,” pahayag ni Muhlach. “Sa pagkakaalam namin, unang lumabas ang balita kay Ogie Diaz, ngunit hindi ito nanggaling sa amin.”

Patuloy ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umano ay pang-aabuso sa anak ng dating child star na si Niño Muhlach na si Sandro.

Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada '70 at '80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.

Ibinenta ni Niño ang isa sa kanyang mga FAMAS trophies kay Boss Toyo. Ang FAMAS, na nangangahulugang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, ay isa sa mga pinaka-pinapangarap na parangal sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Sa isang video na ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang channel na “Pinoy Pawn Stars,” tinanggap ng host ng palabas ang hinihinging presyo ng mga anak ni Niño na sina Xandro at Alonzo na P500K.

Read also

Didong Dumadag, nakapag-taping pa sa Family Feud bago isugod sa ospital dahil na stroke

Samantala, naibahagi ni Niño sa isang video ang pagdala sa kanya sa ospital. Habang nasa taping raw ng Batang Quiapo ay hindi na siya makaarte at hindi niya na mabigkas ang linya niya dahil sa nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang ilong. Isinugod siya sa ospital ngunit umayaw siyang sumakay sa ambulansiya. Dagdag pa ni Niño, nabahala siya dahil delikadong parte ng mukha ang sumakit lalo at malapit ito sa utak kaya minabuti niyang ipasuri ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: