Niño Muhlach, hindi natapos ang eksena sa BQ matapos isugod sa ospital

Niño Muhlach, hindi natapos ang eksena sa BQ matapos isugod sa ospital

- Naibahagi ni Niño Muhlach sa isang video ang pagdala sa kanya sa ospital

- Habang nasa taping raw ng Batang Quiapo ay hindi na siya makaarte at hindi niya na mabigkas ang linya niya dahil sa nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang ilong

- Isinugod siya sa ospital ngunit umayaw siyang sumakay sa ambulansiya

- Dagdag pa ni Niño, nabahala siya dahil delikadong parte ng mukha ang sumakit lalo at malapit ito sa utak kaya minabuti niyang ipasuri ito

Ang beteranong aktor na si Niño Muhlach ay biglang isinugod sa ospital matapos makaramdam ng matinding sakit sa kanyang ilong habang nasa taping para sa pelikulang "Batang Quiapo."

Niño Muhlach, hindi natapos ang eksena sa BQ matapos isugod sa ospital
Niño Muhlach, hindi natapos ang eksena sa BQ matapos isugod sa ospital
Source: Facebook

Kwento niya, habang nasa taping si Niño, bigla siyang hindi makapag-arte at hindi na rin niya mabigkas ang kanyang mga linya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman sa kanyang ilong. Dahil dito, kaagad siyang dinala sa ospital upang masuri ang kanyang kalagayan.

Read also

Shaira, binahaging malapit nang ibalik ang kantang 'Selos' sa streaming platforms

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ngunit, sa kabila ng kanyang kondisyon, tumanggi si Niño na sumakay sa ambulansiya. Sa halip, nagdesisyon siyang mag-convoy ang ambulansiya habang patungo sa ospital.

Ipinunto niya na ang ilong ay isang delikadong bahagi ng mukha na malapit sa utak, kaya't mas naging mahalaga sa kanya na agad na ipasuri at maalagaan ito.

Sa kanyang post sa Instagram, naibahagi ni Niño na nakabalik na siya sa set.

Si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada '70 at '80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.

Matatandaang naibahagi ni Deborah Sun ang tungkol sa nangyaring aksidente sa set ng "Batang Quiapo". Nawalan daw siya ng balanse at tumama ang mukha niya sa semento kaya nagkapasa siya. Isinugod siya sa ospital dahil dito at nagpasalamat siya sa mga kasamahan niya na hindi siya pinabayaan. Aniya, ang mahalaga ay natapos niya at nagawa pa rin ang kanyang huling eksena dahil namaalam na ang kanyang karakter sa naturang serye.

Read also

Herlene Budol sa viral na live video niya: "I don't see anything wrong"

Samantala, nakwento ni Coco Martin na wala naman silang napapansing may iniindang karamdaman si Jaclyn Jose habang nasa taping. Binalikan niya ang huling eksena nila ni Jaclyn kung saan nagpaalam daw ang karakter ni Coco kay Chief Espinas. Nang panuorin daw ni Coco ang mga huling nakunang eksena nito, kapansin-pansin daw ang lungkot ni Jaclyn. Sa set daw nila matapos ang pagpanaw ni Jaclyn ay tahimik silang lahat at sobrang lungkot daw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel