Shaira, binahaging malapit nang ibalik ang kantang 'Selos' sa streaming platforms

Shaira, binahaging malapit nang ibalik ang kantang 'Selos' sa streaming platforms

- Ibinahagi ni Shaira ang balitang nagkasundo na sila ng kampo ng mang-aawit na si Lenka

- Pinabulaanan niya ang espikulasyong may kaso daw na isinampa sa kanila ang kampo ng 'Trouble is a Friend' singer

- Aniya, matapos ang kanilang pag-uusap ay nagkasundo sila at malapit nang mabalik sa streaming apps ang kanilang mga kanta kabilang na ang 'Selos'

- Pinasalamatan naman ni Shaira ang mga taong patuloy na sumuporta sa kanya at nagpasalamat din siya kay Lengka

Sa isang pahayag, ibinahagi ni Shaira ang magandang balita sa kanyang mga tagahanga, na ang kanyang awiting "Selos" ay malapit nang ibalik sa mga streaming platforms.

Shaira, binahaging malapit nang ibalik ang kantang 'Selos' sa streaming platforms
Shaira, binahaging malapit nang ibalik ang kantang 'Selos' sa streaming platforms
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinahayag niya na matapos tanggalin ang kanta mula sa mga platform na ito dahil sa isyu ng copyright, ngayon ay maari na itong muling mapakinggan ng kanyang mga tagahanga.

Read also

Herlene Budol sa viral na live video niya: "I don't see anything wrong"

Ayon kay Shaira, nagkausap na sila ng kampo ng mang-aawit na si Lenka. Pinabulaanan niya ang espikulasyong umano'y nag-file ng reklamo sina Lengka sa kanya dahil sa paggamit ng melody ng kantang "Trouble is a Friend." Nagkasundo sila na ibalik ang kanyang awitin sa mga streaming platforms.

Nagpasalamat si Shaira sa lahat ng mga sumuporta at nagtiwala sa kanya sa gitna ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan dahil sa isyu ng copyright ng kanyang kanta. Sa kabila ng mga paghihirap, patuloy na ipinakita ni Shaira ang kanyang determinasyon at positibong pananaw sa buhay.

Ang balita ng pagbabalik ng kanyang awitin sa mga streaming platforms ay nagdulot ng kagalakan sa kanyang mga tagahanga, na matagal nang hinihintay ang pagbabalik ng kanilang paboritong kanta.

Sa kabuuan, ang pahayag ni Shaira tungkol sa pagbabalik ng kanyang awitin na "Selos" sa mga streaming platforms ay nagdulot ng kagalakan at pag-asa sa kanyang mga tagahanga, na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanyang musika at talento.

Read also

Ogie Diaz sa sagutang PK at Miss Grace: "Parang nakaka-stress na din"

Naging viral hit ang cover ni Shaira sa TikTok noong nakaraang taon, kung saan ginamit ng mga TikTok users ang kanta para sa nakakatawang mga edit, at pati na rin sa pagsasagawa ng dance challenge para dito. Ginamit ang kanta sa mahigit 500,000 na mga post sa naturang platform.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang AHS Productions, ang agency na humahawak sa tinaguriang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira. Ito ay sa gitna ng copyright infringement issue ng kanyang kantang 'Selos' na pumatok sa mga netizens. Ayon sa AHS. boluntary nilang tinanggal sa streaming platforms ang kanta na hango ang melody sa kantang “Trouble is a Friend” ng mang-aawit na si Lenka. Nakikipag-ugnayan na raw sila sa kampo ng mang-aawit upang maging official cover ang 'Selos' at maibalik na nila ito sa streaming platforms.

Naglabas din ng pahayag si Shaira matapos boluntaryong tinanggal ng kanyang management ang kantang 'Selos' sa mga streaming platforms. Ito ay sa gitna ng issue tungkol sa copyright dahil hango ang melody ng kanyang kanta sa 'Trouble is a Friend' na orihinal na kanta ng Australian singer na si Lenka. Sa Facebook post ni Shaira, sinabi niyang okay na okay siya at naghayag ng positibong mensahe para sa mga tao lalo na sa mga totoong kaibigan at concern sa kanya. Kalakip ng kanyang mensaheng ito ay ang isang video clip ng kanyang performance kung saan kinanta niya ang viral song niyang 'Selos'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel