Richard Gutierrez at Annabelle Rama, namataan sa birthday party ni Barbie Imperial

Richard Gutierrez at Annabelle Rama, namataan sa birthday party ni Barbie Imperial

- Namataan sina Richard Gutierrez at Annabelle Rama sa pagdiriwang ng ika-26 na kaarawan ni Barbie Imperial

- Ibinahagi ni Vina Morales sa Instagram ang mga video at larawan mula sa selebrasyon

- Magkatabi sina Richard at Barbie habang pinapanood ang performance ni Joey G

- Patuloy ang mga spekulasyon tungkol sa kanilang relasyon matapos makita sila sa iba't ibang okasyon

Namataan sina Richard Gutierrez at ang kanyang ina at manager na si Annabelle Rama sa pagdiriwang sa ika-26 na kaarawan ng aktres na si Barbie Imperial.

Richard Gutierrez at Annabelle Rama, namataan sa birthday party ni Barbie Imperial
Richard Gutierrez at Annabelle Rama, namataan sa birthday party ni Barbie Imperial
Source: Instagram

Ang kaganapang ito ay ibinahagi sa pamamagitan ng mga Instagram post ni Vina Morales, kung saan makikita ang mga video at larawan mula sa nasabing selebrasyon.

Sa isang video, makikita sina Richard at Barbie na magkatabi habang ine-enjoy ang performance ni Joey G, na kumanta ng "Don’t Know What to Say (Don’t Know What to Do)" ni Ric Segreto.

Read also

Carlos Yulo, nasungkit ang unang gold medal para sa Pinas sa Olympic Games 2024

Ang mga pangyayaring ito ay nagdagdag pa sa mga spekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang mga haka-haka ay nagsimula nang makita ang dalawa na magkasama sa isang bar sa Alabang nitong simula ng taon. Lalo pang lumakas ang mga espikulasyon nang may magbahagi ng mga larawan nila mula sa South Korea sa social media.

Bagama't hindi pa nila kinukumpirma ang kanilang relasyon, sinabi ni Ogie Diaz na ang dalawa ay "exclusively dating."

Si Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez ay isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Anabel Rama. Ikinasal siya sa aktres na si Sarah Lahbati at nabiyayaan sila ng dalawang anak.

Kinumpirma ni Sarah na single na siya maging ang asawa nitong si Richard. Ito ay matapos ang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa isyung hiwalay na sila. Magsalita man sa mga panayam ay naging matipid ang mga pahayag nila ni Richard simula nang lumabas ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Read also

Rosmar, sinabing umaabot na ng milyon ang kanyang gastusin araw-araw

Natawa na lang si Sarah Lahbati nang tanungin siya ng kanyang reaksiyon kaugnay sa ex niyang si Richard Gutierrez na naiuugnay kay Barbie Imperial. Aniya, NR o No reaction siya sa usaping ito na lumabas kasabay ng paglabas din ng picture niya na may lalaking kasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: