Ice Seguerra, sinagot ang komento sa kanyang black & white picture

Ice Seguerra, sinagot ang komento sa kanyang black & white picture

- Sinagot ni Ice Seguerra ang komento ng isang netizen sa kanyang post

- Ipinromote niya ang kanyang birthday concert gamit ang black and white na larawan

- Marami ang nag-react sa post dahil sa paggamit niya ng black and white na larawan kabilang na ang isang netizen na gumamit ng lyrics mula sa kanyang kanta na "Pagdating ng Panahon"

- Patok sa social media ang pangyayari na nagdulot ng pagtawanan at pagbibigay-saya sa mga tagasubaybay ni Ice Seguerra

Sinagot ni Ice Seguerra ang komento ng isang netizen sa kanyang post kung saan ipinromote niya ang kanyang birthday concert gamit ang black and white na larawan.

Ice Seguerra, sinagot ang komento sa kanyang black & white picture
Ice Seguerra, sinagot ang komento sa kanyang black & white picture
Source: Facebook

Marami ang nag-react sa post ni Ice dahil sa paggamit niya ng black and white na larawan, kabilang na ang isang netizen na gumamit pa ng lyrics mula sa kanyang kanta na "Pagdating ng Panahon."

Read also

Herlene Budol, agaw-pansin sa GMA Gala matapos mahulog habang rumarampa

Nagkomento ang netizen na, "Josko! Akala ko dumating na ang panahon. ." Sa kanyang sagot, ginamit ni Ice ang lyrics mula sa kanyang kanta at sinabi, "Di pa siguro bukas. Di pa rin ngayon...hahaha!"

Ice Seguerra, sinagot ang komento sa kanyang black & white picture
Ice Seguerra, sinagot ang komento sa kanyang black & white picture
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang naturang pangyayari ay patok sa social media at nagdulot ng pagtawanan at pagbibigay-saya sa mga tagasubaybay ni Ice Seguerra.

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami. Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Kamakailan ay buong tapang na ibinahagi ni Ice ang tungkol sa 17 taon niyang pakikipaglaban sa depresyon. Aniya, matagal na niya itong dinaranas bagay na hindi pa niya lang alam noon kung ano ang tawag. Isa sa pinakamatinding epekto nito ay ang kasagsagan ng pandemya kung saan naisipan niyang bawiin ang sariling buhay. Laking pasalamat naman niya sa kanyang kaibigan at misis na malawak ang pang-unawa sa kanyang pinagdaanan.

Read also

Ana Ramsey, nagsalita matapos ang komento sa kanya bilang bahagi ng Wil To Win

Kinaaliwan kamakailan ang pag-post si Sylvia Sanchez ng video kung saan ginising niya si Ice na natutulog. Ito ay para umano palipatin si Ice sa bitbit niyang stroller na hiniram niya sa anak ni Smokey Manaloto. Matapos magising ay wala namang nagawa si Ice kundi sakyan na lang ang biro ni Sylvia. Ani Silvia, ang totoong pagkakaibigan ay asaran at walang pikunan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate