Sylvia Sanchez, napagtripan si Ice Seguerra habang natutulog

Sylvia Sanchez, napagtripan si Ice Seguerra habang natutulog

- Nag-post si Sylvia Sanchez ng video kung saan ginising niya si Ice Seguerra na natutulog

- Ito ay para umano palipatin si Ice sa bitbit niyang stroller na hiniram niya sa anak ni Smokey Manaloto

- Matapos magising ay wala namang nagawa si Ice kundi sakyan na lang ang biro ni Sylvia

- Ani Silvia, ang totoong pagkakaibigan ay asaran at walang pikunan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang post ni Sylvia Sanchez kung saan pinagtripan niya si Ice Seguerra habang natutulog. Ginising niya ito at pinapalipat sa tinutulak niyang stroller.

Sylvia Sanchez, binawian si Ice Seguerra sa pagpost nito ng picture nyang natutulog
Sylvia Sanchez, binawian si Ice Seguerra sa pagpost nito ng picture nyang natutulog (@sylviasanchez_a)
Source: Instagram

Imbes na mapikon dahil sa paggising sa kanya ni Sylvia, natawa na lamang si Ice. Biro ni Ice, papayag siyang lumipat basta padedehin daw siya. Pabiro namang sinabi ni Ice na kung kasya lang siya ay lumipat na siya sa stroller..

Bilang pangbawi ay nagtawag si Sylvia ng taong magmamasahe kay Ice.

Ginising ko lang ang anak ko para mas mapalipat ko siya sa mas komportableng higaan. Para matulak tulak ko din. Ang tunay na pagkakaibigan, bwisitan! Pag pikon ka, talo ka Iiyak ka nalang wawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang ilang beses na ring naggantihan ng post ng kanilang biruan sina Ice at Sylvia. Gayunpaman, madalas nilang binabanggit kung gaano nila pinapahalagahan ang kanilang pagkakaibigan.

Si Jossette Campo Atayde o mas kilala sa kanyang screen name na Sylvia Sanchez ay isa lamang sa mga award-winning na aktres sa Pilipinas. Asawa siya ni Art Atayde at ina ng magkapatid na sina Arjo Atayde at Ria Atayde na pawang mga mahuhusay sa larangan ng pag-arte.

Sa naunang ulat ng KAMI, engaged na si Maine Mendoza sa kanyang boyfriend na si Quezon City 1st district congressman Arjo Atayde. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Samantala, ibinahagi ni Sylvia ang ilang picture kung saan makikita ang kanyang asawang si Art at ang kanyang future daughter-in-law na si Maine Mendoza. Aniya, laging nagbubullyhan pagnagkikita sina Maine at ang kanyang mister at natutuwa siyang pagmasdan ang biruan nila. Ayon pa sa kanya, nakahanap ng katapat sina Maine at si Art sa isa't-isa na nagiging dahilan ng kanilang walang humpay na tawanan. Matatandaang kamakailan lang ay nag-propose na si Arjo Atayde kay Maine at inihayag ng pamilya ni Aljur ang kanilang kasiyahan para sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel