Maine Mendoza, isinapubliko ang engagement nila ni Arjo Atayde

Maine Mendoza, isinapubliko ang engagement nila ni Arjo Atayde

- Engaged na si Maine Mendoza sa kanyang boyfriend na si Quezon City 1st district congressman Arjo Atayde

- Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo

- Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi

- Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Maine Mendoza ang ilang pictures nila ng kanyang kasintahang si Arjo Atayde. Isinapubliko niya na sila ay engaged na.

Maine Mendoza, isinapubliko ang engagement nila ni Arjo Atayde
Maine Mendoza, isinapubliko ang engagement nila ni Arjo Atayde (@mainedcm)
Source: Instagram
Wait, whaaaat??? We’re engaged?

Sa kanyang caption ay tila hindi pa makapaniwala si Maine na engaged na sila ni Arjo. Matatandaang noong December 2021 ay nagdiwang ang magkasintahan ng kanilang ikatatlong taong magkarelasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Vanessa Raval, sinagot ang hamon ni Skusta Clee: "Hindi nga ikaw 'yon"

Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz. Kabilang sa mga bumati sa kanila ay sina Carlo Aquino, Paulen Luna at Mavy Legazpi.

Matatandaang nanuna nang nabanggit ni Arjo sa isang panayam na nasa tamang edad na siya at parehas silang masaya ni Maine sa isa't-isa. Aniya, sana ay hanggang sa kanilang pagtanda na.

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Arjo sa kanyang kasintahang si Maine Mendoza. Nauna na ring sinabi ni Arjo na binago ni Maine ang kanyang ugali at buhay.

Read also

Vice Ganda, nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa pangarap at pagdadasal

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host/actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel