Herlene Nicole Budol sa komentong dinog-show niya ang Q&A: "Dog lover po kasi ako"

Herlene Nicole Budol sa komentong dinog-show niya ang Q&A: "Dog lover po kasi ako"

- Usap-usapan na naman si Herlene Nicole Budol matapos ang kanyang guesting sa programa ni Boy Abunda

- Ito ay dahil sa kanyang sagot sa tanong ni Tito Boy kung ano ang kanyang saloobin sa komentong ginawa niyang dog show ang pagsagot niya sa Q&A

- Seryoso nitong sinagot ang tanong ng batikang TV host at sinabing dog lover daw kasi siya

- Dagdag pa niya, seryoso siya sa kanyang ginagawa sa pagsali sa Miss Grand Philippines

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Trending na naman si Herlene Nicole Budol matapos ang kanyang guesting sa programa ni Boy Abunda. Seryoso niyang sinagot ang tanong ng batikang TV host kung ano ang kanyang masasabi sa komentong dinog-show niya ang pagsagot niya kamakailan Official Sashing ng Miss Grand Philippines 2023.

Herlene Nicole Budol sa komentong dinog-show nya ang Q&A: "Dog lover po kasi ako"
Herlene Nicole Budol sa komentong dinog-show nya ang Q&A: "Dog lover po kasi ako" (@herlene_budol)
Source: Instagram

Aniya, dog lover daw kasi siya at seryoso naman siya sa kanyang ginagawa.

Read also

Herlene Nicole Budol sa bashers: "Dahil po sa inyo marami akong inayos sa buhay ko"

"Dog lover po kasi ako, e. Tsaka para sa akin, seryoso naman po ako sa ginagawa kong 'to."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, hindi daw talaga niya naintindihan ang tanong nun kaya ganun na lang ang kanyang nasabi. Gayunpaman, aniya ay ginawa niya ang kanyang makakaya.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Read also

Vice Ganda, walang sama ng loob sa TV-5: "Ang laki ng tinulong nila sa amin"

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel