Vice Ganda, walang sama ng loob sa TV-5: "Ang laki ng tinulong nila sa amin"

Vice Ganda, walang sama ng loob sa TV-5: "Ang laki ng tinulong nila sa amin"

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa nangyari sa It's Showtime

- Sa kanyang vlog ay kinuwento niya ang pangyayari nitong mga nakaraang araw nang malaman niya ang tungkol sa posibilidad na mawala na sila sa 12 noon timeslot ng TV5

- Tahasan namang sinabi ni Vice Ganda na wala siyang sama ng loob sa TV5

- Aminado siyang nalungkot siya sa naging desisyon ng TV5 pero aniya ay hindi pwedeng mawala ang pasasalamat niya at ng kanyang mga kasamahan sa TV5 sa itinulong nito sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita si Vice Ganda tungkol sa nangyari sa It's Showtime sa paglipat nila sa GTV. Aminado siyang nalungkot siya sa naging desisyon ng TV5 pero aniya ay hindi pwedeng mawala ang pasasalamat niya at ng kanyang mga kasamahan sa TV5 sa itinulong nito sa kanila.

Read also

Toni Fowler, inalala ang pagiging back up dancer sa It's Showtime

Vice Ganda, walang sama ng loob sa TV-5: "Ang laki ng tinulong nila sa amin"
Vice Ganda, walang sama ng loob sa TV-5: "Ang laki ng tinulong nila sa amin" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ani Vice, malaki ang naitulong ng TV5 sa kanila at hinding-hindi nila pwedeng makalimutan iyon. Wala din daw siyang sama ng loob sa TVJ dahil natural lang na maghanap sila ng tahanan matapos ang nangyari.

Ani Vice, sila ang naging casualty sa hindi pagkakaunawaan ng TVJ at ng TAPE dahil aniya ay kung hindi nangyari iyon ay pwede pa rin naman ang Eat Bulaga sa GMA.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Toni Fowler, binahagi ang convo nila ng ama ni Tyronia na si Elon Manalo

Kamakailan ay hindi napigilan ni Vice Ganda ang maging emosyonal matapos kantahin ni Argus ang aniya'y paborito ng kanyang Tito Ion. Kinanta niya ang awiting "Beautiful Day" at iyon daw ang paborito ni Ion ayon din kay Vice. Matatandaang nitong June 11 ay naibahagi ni Ion ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang kapatid. Ilang araw na rin na hindi nakakapasok si Ion sa It's Showtime kasunod ng pagbabahagi niya tungkol sa kanyang kapatid.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate