Abegail Rait, nagbahagi ng quote sa gitna ng viral video ng anak

Abegail Rait, nagbahagi ng quote sa gitna ng viral video ng anak

- Sa gitna ng mga komento sa viral na video ng anak na si Gail Francesca, nagbahagi ng mensahe si Abegail Rait

- Binahagi niya ang quote tungkol sa pagiging mapanghusga ng ibang tao kahit hindi lubusang kilala ang isang tao

- Sa nag-viral na video, makikita si Gail Francesca na sumasayaw sa isang bar sa Las Piñas habang todo suporta si Abegail

- "We are like books. Most people only see our cover, the minority read only the introduction, many people believe the critics. Few will know our content," ayon kay Abegail

Sa gitna ng mga komento sa viral na video ng anak na si Gail Francesca, nagbahagi ng mensahe si Abegail Rait upang ipahayag ang kanyang saloobin. Binahagi niya ang isang quote tungkol sa pagiging mapanghusga ng ibang tao kahit hindi lubusang kilala ang isang tao.

Abegail Rait, nagbahagi ng quote sa gitna ng viral video ng anak
Abegail Rait, nagbahagi ng quote sa gitna ng viral video ng anak
Source: Facebook

Read also

Alodia Gosiengfiao, pinasilip ang paghahanda ng kanyang mister sa pagiging isang ama

Matatandaang sa nag-viral na video ay makikita ang anak niyang sumasayaw sa isang bar sa Las Piñas. Sa video, makikita ang todo suporta ni Abegail habang sumasayaw si Gail Francesca. Maririnig pa ang kanyang ina na sumisigaw ng "Go!" bilang hudyat ng pagsisimula ng sayaw, at masiglang pumalakpak matapos ang performance ni Francesca.

Ayon sa mensahe ni Abegail, "We are like books. Most people only see our cover, the minority read only the introduction, many people believe the critics. Few will know our content."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang mensaheng ito ay nagpapahayag ng kanilang panawagan para sa mas malalim na pag-unawa at pag-iwas sa panghuhusga nang walang sapat na kaalaman tungkol sa isang tao.

Si Gail Francesca Magalona ay unang nakilala nang mag-viral ang video niya kasama ang ina na pumunta sa social media personality na si Boss Toyo. Sa kanilang paglapit doon para magbenta ng gamit ng yumaong rapper na si Francis Magalona, binunyag nila na anak siya nito.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Matatandaang si Gaile Francesca Magalona ay naglabas ng bagong vlog sa kanyang YouTube channel. Siya at ang kanyang ina, si Abegail Rait, ay pumunta sa Tutuban Center sa Maynila para bumili ng mga pangregalo sa Pasko. Nakatipid si Francesca ng ₱1,000 mula sa kanyang lingguhang baon sa eskwela. Ang paparating na bituin at ang kanyang ina ay magaling sa paghahanap ng magagandang produkto sa mababang presyo.

Bumalik si Abegail Rait at Francesca Magalona bilang mga espesyal na panauhin sa YouTube channel ni Boss Toyo, ang Pinoy Pawnstars. Ipinakita nila ang anim na litrato na kinunan ng yumaong si Francis Magalona, na kilala sa kanyang hilig sa potograpiya. Biniro ni Abegail si Boss Toyo sa pagpapanggap na ibebenta ang mga litrato sa halagang ₱100,000 bawat isa, ngunit kalaunan ay ipinahayag na mga regalo ang mga ito. Nagpasalamat si Boss Toyo sa mga litrato, na may sentimental na halaga at alaala ni Francis Magalona.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate