Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo, masayang binahagi ang pagkasilang kay 'Player 3'

Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo, masayang binahagi ang pagkasilang kay 'Player 3'

- Nanganak na si Alodia Gosiengfiao at masaya nilang sinalubong ng asawa niyang si Christopher Quimbo ang kanilang baby boy

- Ibinahagi ni Alodia ang kanyang panganganak sa isang emosyonal na video sa kanyang YouTube channel

-Palaging nasa tabi ni Alodia si Christopher mula sa pagpunta nila sa ospital hanggang sa mismong delivery

- Hindi pa ibinunyag ng mag-asawa ang pangalan ng kanilang anak ngunit puno sila ng kasiyahan sa bagong yugto ng kanilang buhay

Opisyal nang mga magulang ang gaming icon at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao at ang kanyang asawang si Christopher Quimbo. Sa isang emosyonal na video na ibinahagi sa YouTube channel ni Alodia, isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa panganganak, na kinapapalooban ng suporta at pagmamahalan ng mag-asawa.

Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo, masayang binahagi ang pagkasilang kay 'Player 3'
Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo, masayang binahagi ang pagkasilang kay 'Player 3'
Source: Facebook

Matatandaang ikinasal sina Alodia at Christopher noong Pebrero 14 ng nakaraang taon sa isang “Gamer’s Fantasy Wedding” na sumasalamin sa kanilang pagmamahal sa gaming. Noong Hunyo ngayong taon, inanunsyo ng mag-asawa na sila’y magkakaanak, at ibinahagi rin nila ang gender reveal na isang baby boy.

Read also

Jennifer Hudson, napabato ng sapatos dahil sa performance ni Sofronio Vasquez

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa video, inamin ni Alodia na una siyang hindi makapaniwala na dumating na ang pinakahihintay nilang araw. Habang si Christopher naman ay puno ng pananabik, palaging binabanggit na pag-uwi nila mula sa ospital ay kasama na nila ang kanilang anak.

Kasama ni Alodia si Christopher sa bawat hakbang ng proseso. Sa isang touching na sandali, nag-iwan si Christopher ng mensahe habang hinihintay si Alodia sa delivery room: “Hi Babe. You’ll probably watch this when you’re on your computer but you’re just about to go in and I just want to say how much I love you and how proud I am of you and I can’t wait to see you soon and our baby boy and we’ve got this.”

Smooth at maayos ang naging delivery sa kanilang anak na tinawag nilang "Player 3," na siya ngayong pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya. Bagaman hindi pa ibinunyag ang pangalan ng kanilang anak, puno ng tuwa ang mag-asawa at kanilang mga tagahanga sa mahalagang yugto ng kanilang buhay.

Read also

Niño Muhlach, nilinaw ang biro niya sa pagpapaareglo sa kaso ni Sandro

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company. gayunpaman, kamakailan ay naglabas siya ng pahayag tungkol sa kanyang pag-alis sa Tier 1.

Nag-post si Alodia Gosiengfiao ng behind-the-scene video ng kanyang Instagram post kamakailan. Makikita sa naturang video ang mister niyang si Christopher Quimbo na siyang naghahawak ng ilaw para sa kanya. Marami naman ang napa-sana all sa effort na ito ng asawa ni Alodia para lang masuportahan ito. Matatandaang ikinasal sina Alodia at Christopher at marami ang namangha sa bonggang kasal nila na dinaluhan ng bigating mga bisita.

Ibinahagi ni Alodia Gosiengfiao ang nakakaaliw na video ng kanyang asawang si Christopher Quimbo. Sa naturang video ay makikitang nagsasalita si Chris sa Tagalog at nagtatanong kay Alodia kung tama ang kanyang sinasabi. Sa mga video na binabahagi ni Alodia sa social media, madalas ay hindi nagtatagalog si Christopher. Ani Alodia, minsan ay pinapa-translate sa kanya ng asawa ang mga Tagalog na komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate