Direk Bobot Mortiz, nabanggit ang tungkol sa mga bagong casts ng Goin' Bulilit
- Babalik din si Dagul sa bagong season ng "GOin' Bulilit" ayon kay Direk Bobot Mortiz
- Ibinunyag ito ni Direk Bobot sa isang vlog ni Bernadette Sembrano kung saan siya nakapanayam nito
- Kasama rin daw ni Dagul ang bagong karakter na si Baby Giant na unang nakilala sa social media hanggang sa naging bahagi ng Batang Quiapo
- Ipinahayag ng mga tagasubaybay ang kanilang kasiyahan sa pagbabalik ni Dagul
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ayon kay Direk Bobot Mortiz, makakasama pa rin sa bagong season ng palabas ang paboritong komedyante na si Dagul. Sa isang recent na vlog ni Bernadette Sembrano, ibinunyag ni Direk Bobot na magiging bahagi pa rin ng programa si Dagul, kasama ang bagong karakter na si Baby Giant.
“Makakasama namin si Baby Giant... Saka si Dagul, nandun pa rin naman si Dagul,” pahayag ni Direk Bobot. Ang balitang ito ay nagdulot ng kasiyahan sa mga fans na akala ay hindi na makakasama si Dagul dahil sa pagpasok ni Baby Giant.
Ang pagpapanatili kay Dagul sa cast ay nagpapataas ng excitement para sa bagong season ng "GOin' Bulilit". Marami ang nagsasabi na hindi magiging kumpleto ang programa kung wala si Dagul, kaya't ikinagalak ng mga tagahanga na mananatili siyang bahagi ng kanilang paboritong show.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
(Mapapanuod sa 2:25 - 2:31 na bahagi ng video ang pahayag ni Direk Bobot)
Si Romy Pastrana o mas kilala sa kanyang screen name na Dagul. Nadiscover siya ng singer-host na si Randy Santiago. Si Santiago din ang nagbansag sa kanya ng "Dagul" na kadalasang nangangahulugang mataas o malaking tao na kabaliktaran ng kanyang tangkad.
Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Isprikitik, Walastik Kung Pumitik (1999) at Juan & Ted: Wanted (2000). Nakasama din siya sa comedy sitcom na Kool Ka Lang (2001).
Isa siya sa naging regular na cast ng Goin' Bulilit. Siya lamang ang nagtagal doon hindi kagaya sa ibang mga cast na mga bata na kailangang grumaduate kapag dumating na sa tamang gulang.
Kung walang trabaho sa command center ng baranggay nila kung saan siya ang head, nagbabantay umano si Dagul ng kanilang munting tindahan sa kanilang bahay. Mabagal umanong magbigay ng sukli si Dagul dahil na rin sa kanyang kalagayan at sumasakit na rin umano ang kanyang tuhod. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Dagul na maging kapaki-pakinabang pa rin sa kanilang bahay. May trabaho man at tindahan, hindi sapat ang kanilang kinikita para mabayaran ang pagkakautang nila sa paaralan ng anak.
Emosyonal na sinalaysay ni Dagul Pastrana ang kanyang kalagayan matapos ang pagtigil niya sa Goin' Bulilit. Hindi niya napigilang maiyak dahil nanghinayang siya sa anak niya na mataas ang pangarapn sa buhay. Gayunpaman, dahil sa hirap ng buhay ay nanganganib itong hindi na makapagtapos ng kanyanng Grade 12. Ang anak niyang si Jkhriez Pastrana ay may kondisyon na kagaya sa kanyang ama kaya ito umano ang iniisip ni Dagul dahil sa maaring kakaharapin nitong hirap sa buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh