Dagul, hindi napigilang maiyak dahil sa pinagdadaanang hirap

Dagul, hindi napigilang maiyak dahil sa pinagdadaanang hirap

- Emosyonal na sinalaysay ni Dagul Pastrana ang kanyang kalagayan matapos ang pagtigil niya sa Goin' Bulilit

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Hindi niya napigilang maiyak dahil nanghinayang siya sa anak niya na mataas ang pangarapn sa buhay

- Gayunpaman, dahil sa hirap ng buhay ay nanganganib itong hindi na makapagtapos ng kanyanng Grade 12

- Ang anak niyang si Jkhriez Pastrana ay may kondisyon na kagaya sa kanyang ama kaya ito umano ang iniisip ni Dagul dahil sa maaring kakaharapin nitong hirap sa buhay

Dahil parehas sa kanya ang kondisyon ng anak niyang si Jkhriez Pastrana, nababahala si Dagul para sa anak sakaling mawala siya sa mundo. Aniya, alam niyang hindi magiging madali para sa anak niya ang kakaharaping problema dahil sa kalagayan nito.

Dagul, hindi napigilang maiyak dahil sa pinagdadaanang hirap
Dagul Pastrana (@dagulpastrana)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ogie Diaz, sasagutin ang bayarin sa paaralan ng anak ng komedyanteng si Dagul

Ayon kay Dagul, nahinto siya sa Goin' Bulilit dahil napasok siya sa serbisyo publiko. Siya ang head ng command center sa kanilang baranggay.

Hindi niya napigilang maiyak dahil nanghinayang siya sa anak niya na mataas ang pangarapn sa buhay. Gayunpaman, dahil sa hirap ng buhay ay nanganganib itong hindi na makapagtapos ng kanyanng Grade 12.

Minabuti ni Dagul na tawagan si Ogie Diaz para humingi ng tulong sa kanyang bayarin sa paaralan ng anak. Kahit honor student ay nanganganib na hindi ito makapagtapos ng Grade 12 dahil sa balanse nito sa kanyang tuition fee mula nang siya ay nasa grade 7.

Si Romy Pastrana o mas kilala sa kanyang screen name na Dagul. Nadiscover siya ng singer-host na si Randy Santiago. Si Santiago din ang nagbansag sa kanya ng "Dagul" na kadalasang nangangahulugang mataas o malaking tao na kabaliktaran ng kanyang tangkad.

Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Isprikitik, Walastik Kung Pumitik (1999) at Juan & Ted: Wanted (2000) . Nakasama din siya sa comedy sitcom na Kool Ka Lang (2001).

Read also

LJ Reyes, nagbahagi ng life update matapos ang limang buwan

Isa siya sa naging regular na cast ng Goin' Bulilit. Siya lamang ang nagtagal doon hindi kagaya sa ibang mga cast na mga bata na kailangang grumaduate kapag dumating na sa tamang gulang.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagdulog ng kinakasama ng anak ni Dagul sa programa ni Raffy Tulfo upang mabawi ang mga anak sa dating kinakasama.

Kinalaunan ay nabawi din nito ang kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel