Anak ng komedyanteng si Dagul, ipina-Tulfo ng dating kinakasama nito

Anak ng komedyanteng si Dagul, ipina-Tulfo ng dating kinakasama nito

- Ipina-Tulfo ang anak ng komedyanteng si Dagul ng dating kinakasama nito na sinukuan na umano ang ginagawa sa kanya

- Ayon sa nagreklamo, nananakit at hindi na maganda ang trato sa kanya ng anak ni Dagul kaya niya naisipang layasan na ito

- Bukod pa rito, wala raw itong hanapbuhay at nakuha pang magsugal kung saan siya ang sinisingil ng mga napagkakautangan nito

- Nais na ring makuha ng babae ang mga anak nila na nasa poder ng pamilya ni Dagul

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo si Sue Ellene Paez, ang dating kinakasama ng anak ng komedyanteng si Romeo "Dagul" Pastrana.

Nalaman ng KAMI na nais na makuha ni Sue ang kanyang mga anak na nasa poder pa ng pamilya ni Dagul.

Aniya, nagagawa raw siyang saktan ng anak ng komedyante at makailang beses pa itong naulit.

Read also

Ina ng Maguad siblings nang makaharap ang mga suspek; "We couldn't do anything"

Anak ng komedyanteng si Dagul, ipina-Tulfo ng dating kinakasama nito
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Wala rin daw itong trabaho at nagagawa pa rin umano nitong magsugal. Sa kasamaang palad, siya pa umano ang naaabala ng mga napgkakautangan nito sa sugal at siya ang pinupwersang magbayad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging sa kanyang pagtuturo sa online class, nasasaksihan pa ng kanyang mga estudyante ang pagmumura sa kanya ng partner dahil sa internet connection.

Dahil dito, naisipan na niyang tuluyang iwan ang anak ng komedyante kung saan naiwan muna niya pansamantala ang dalawang mga anak.

Subalit hindi raw niya ito basta makuha gayung malaki ang posibilidad na magkaroon ng hindi magandang reaksyon ang dating kinakasama gayundin ang pamilya nito.

Ayon naman sa isa pang anak ni Dagul na si Jhero Pastrana, matagal na nilang ibinibigay ang dalawang bata sa ina nito. Subalit si Sue mismo ang nagsabing ngayong taon na niya ito makukuha.

Read also

Robin Padilla, naluha sa kalagayan ng mga maliit na artistang nais niyang matulungan

Gayunpaman, mismong si Jhero na rin ang umamin na nakakapanakit ang kapatid gayundin ang pagsusugal umano nito.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang komedyanteng si Dagul.

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel