Robin Padilla, naluha sa kalagayan ng mga maliit na artistang nais niyang matulungan

Robin Padilla, naluha sa kalagayan ng mga maliit na artistang nais niyang matulungan

- Naging emosyonal si Robin Padilla habang tinatalakay nila ni Aiko Melendez ang tungkol sa kalagayan ng mga maliliit na artista

- Ayon kay Robin, kulang ang mga natatanggap ng mga itong kita mula sa produksyon kaya naman nagagawa niyang abutan ang mga ito ng kaya niyang maitulong

- Malalaki umano ang kinikita ng mga kilalang artista habang ang ibang naging bahagi ng isang proyekto ay kinakapos pa rin

- Ilan lamang daw ito sa mga nais na maisulong ni Robin sakaling palarin siya na mapasok sa senado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maging emosyonal ng kilalang action star na si Robin Padilla nang mapag-usapan na nila ni Aiko Melendez ang tungkol sa mga maliliit na artistang tila kinakapos pa rin sa kanilang kinikita.

Robin Padilla, naluha sa kalagayan ng mga maliit na artistang nais niyang matulungan
Photo: Robin Padilla
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano sa mga plataporma ni Robin ay ang pagtulong niya sa industriyang kanyang kinabibilangan lalo na para sa mga maliliit na artista at iba pang mga crew na bahagi rin naman ng isang produksyon.

Read also

Virgelyncares, nasa ospital; pinabulaanan ang kumakalat na agaw-buhay na siya

Ayon kay Robin, malaki ang kinikita ng mga kilalang artista tulad nila ni Aiko Melendez na siyang nag-interview sa kanya subalit tila naisasantabi umano ang iba pa nilang kasama sa mga proyekto.

"Ang nangyayari kasi sa atin, 'di ba magpapaikot pa ng yellow paper, nawawalan ng dignidad 'yung tao. Nakaganun yung tao sa isang tabi, nanghihingi ng pera... 'Wag, di natin dapat natin ginagawa yun. Naiiyak ako sorry ah. Hindi natin dapat ginagawa sa kapwa natin 'yun," pahayag ni Robin patungkol sa mga background actors, stunt men at crew na kasama rin naman sa pagbuo ng isang production.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, dapat na nagkukusa na umano ang mga malalaking artista na mag-abot sa mga ito bagay na ginagawa na niya noon pa sa abot ng kanyang makakaya.

Read also

Robin Padilla, napakanta at napasayaw sa 'truth or dare' sa kanya ni Aiko Melendez

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Aiko Melendez:

Si Robin Padilla ay isa mga kilalang action star at endorser sa bansa. Siya ay kasal sa TV host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla. Nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Si Robin din ang ama ng GMA aktres na si Kylie Padilla.

Kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador si Robin para sa darating na Halalan sa Mayo 2022. Marami ang kumpiyansang mananalo umano ito gayung marami ang nakakakilala sa kanya.

Isa sa hayagang nagbigay ng suporta kay Robin ang social media personality na si Jam Magno. Ayon kay Jam, nakita niya kung gaano ka-busy si Robin sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Sa tindi umano ng pagtulong ni Robin, napansin ni Jam na maging ang Pasko at Bagong Taon ay isinakripisyo nito na makasama ang pamilya para lang tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga hindi pa natin nakakabangong mga kababayan dahil kay 'Odette'.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel