Ogie Diaz, nakausap umano si Trina Candaza bakit wala si Mithi sa kasal ni Carlo

Ogie Diaz, nakausap umano si Trina Candaza bakit wala si Mithi sa kasal ni Carlo

- Nakausap umano ni Ogie Diaz ang dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza

- Marami umano ang nakapansing wala ang anak na si Mithi sa kasal ng ama nitong si Carlo Aquino

- Sinabi ni Trina na nasa kanya lang si Mithi na baka iba umano ang isipin ng tao

- Matatandaang minsan nang na-interview ni Ogie Diaz si Trina tungkol sa sinapit ng relasyon nito kay Carlo

Dahil sa marami na rin umano ang nagtatanong at nag-uusisa kung bakit wala ang anak ni Carlo Aquino na si Mithi, minabuti na ni Ogie na tanungin mismo si dating partner ni Carlo at ina ni Mithi na si Trina Candaza.

Ogie Diaz, nakausap umano si Trina Candaza bakit wala si Mithi sa kasal ni Carlo
Ogie Diaz, Mithi and Trina Candaza (@niceprintphoto/ @trinacandaza)
Source: Facebook

Ani Ogie, nag-alala umano si Trina na baka ma-misinterpret ng ibang tao at akalaing ipinagdamot niya ang anak sa kasal ng ama nito.

"'Yun na nga. Alam mo tinanong ko si Trina. Sabi ni Trina nasa kanya lang daw si Mithi. Baka raw 'yung iba ma-misinterpret na hindi niya pinayagan. Carlo daw didn't ask if pwedeng um-attend. Pero kay Trina, kung nagpaalam lang daw si Carlo, bakit naman daw ang hindi. E hindi nga raw nag-reach out sa kanya," giit ni Ogie sa umano'y pahayag ni Trina.

Read also

Gerald's birthday message for Marjorie Barretto: "Thank you for trusting me tita"

Narito ang kabuuan ng talakayan mula Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Trina Candaza ang dating partner ni Carlo Aquino. Nabiyayaan sila ng isang supling si Enola Mithi na tatlong taong gulang na noong nakaraang taon.

Matatandaang sa 3rd birthday pa ni Mithi, naging kontrobersyal ang hindi pagsipot ni Carlo. Sa mga naunang birthday kasi nito, kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang ay nakadalo pa noon si Carlo alang-alang sa anak.

Marami rin ang naantig ang puso sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Trina sa pagbubukas ng taong 2023. Isa na rito ang paglilinaw ni Trina tungkol sa naging kontrobersyal na pahayag noon ni Carlo kung saan nais na raw nitong makita ang anak na si Mithi na hindi nakakasama muli mula pa noong Nobyembre ng 2022. Ani Trina, alam ni Carlo kung saan sila naglalaging mag-ina at anumang oras ay maari itong pumunta. Subalit sadyang hindi lang daw umano nagpupunta ang aktor.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel