Gerald's birthday message for Marjorie Barretto: "Thank you for trusting me tita"

Gerald's birthday message for Marjorie Barretto: "Thank you for trusting me tita"

- Isa si Gerald Anderson sa mga nagbigay ng mensahe sa 50th birthday ni Marjorie Barretto

- Pinasalamatan ni Gerald si Marjorie sa umano'y tiwalang ibinibigay nito sa kanya

- Kahanga-hanga umano ang pamilya Barretto dahil sa umano'y maayos na pagpapalaki ni Marjorie sa kanyang mga anak

- Isa nga sa mga anak ni Marjorie si Julia Barretto na nobya ni Gerald Anderson

Ibinahagi ni Marjorie Barretto ang ilan sa mga mahahalagang kaganapan sa kanyang 50th birthday celebration.

Gerald's birthday message for Marjorie Barretto: "Thank you for trusting me tita"
Gerald Anderson (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Pawang mga malalapit na tao sa puso ni Marjorie ang kanyang inimbitahan upang makisaya sa espesyal na araw na iyon sa kanya.

Isa na rito ang nobyo ng anak niyang si Julia Barretto na si Gerald Anderson.

Sa pagbibigay ni Gerald ng mensahe kay Marjorie, sinamantala na niya ang pagkakataong pasalamatan ito sa pagtanggap sa kanya bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Read also

Heart Evangelista, inulan ng papuri sa pagiging cool stepmom sa anak ni Chiz

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Thank you for accepting me... You have an amazing family and it starts with you. You raised them so well, They are the reflection of what your love and dedication na binigay mo. 'Yung strength, which I see every day," ani Gerald.

"Thank you for trusting me. Sa mga adventures natin, sa mga ginagawa natin. Thank you for trusting me, and I love you... Happy Birthday," giit pa niya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Marjorie Barretto:

Gerald Anderson ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Matatandaang una niyang nakapareha si Kim Chiu na mula rin sa nasabing programa. Bago ang kasakulukuyang relasyon niya kay Julia Barretto, matatandaang naging kontrobersyal ang naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo.

Read also

Video na kuha sa kasal nina Carlo at Charlie, ibinahagi ni Alexa Ilacad

Matatandaang sa naging interview ni Isko Moreno kay Gerald, nabanggit niyang kasama umano ang pagpapakasal kay Julia sa kanyang five-year plan. Ganoon na lamang din ang papuri nito kay Julia na aniya'y napakasaya at napakagaang kasama bilang karelasyon.

Samantala, sa panayam naman ni Karen Davila kay Gerald kamakailan, nabanggit niya ang tungkol sa usapang pagpapakasal. Aniya, 'malapit-lapit' na umano ito gayung 35- anyos na siya. Lahat umano ng kanyang pinagkakaabalahan ngayon ay bilang paghahanda na niya sa pagbuo ng sarili niyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel