Gerald, sa kung kailan magpo-propose kay Julia: "Sa five-year plan, siyempre kasama 'yan diyan"

Gerald, sa kung kailan magpo-propose kay Julia: "Sa five-year plan, siyempre kasama 'yan diyan"

- Tila nagpahiwatig na umano si Gerald Anderson sa kung kailan siya posibleng mag-propose sa girlfriend na si Julia Barretto

- Aniya, sa five-year plan niya sa kanyang buhay, masasabing kasama na ito

- Nagbiro pa umano itong si Julia ang nag-propose dahil minsan na rin daw siya nitong tinawag na 'patner in life'

- Sa naturang interview, nabanggit din ni Gerald kung gaano siya kasaya bilang magaan na karelasyon si Julia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nausisa ni Isko Moreno si Gerald Anderson kung kailan ito posible umanong mag-propose sa girlfriend na si Julia Barretto.

Gerald, sa kung kailan magpo-propose kay Julia: "Sa five-year plan, siyempre kasama 'yan diyan"
Julia Barretto and Gerald Anderson (@juliabarretto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging panauhin ni Isko si Gerlad sa kanyang YouTube show na 'Iskovery nights.

Sa naturang panayam, una nang nabanggit ni Gerald kung gaano siya kasaya sa relasyon nila ni Julia na nilarawan niya na 'magaan.'

Read also

Cristy Fermin, muling pinayuhan si Paolo Contis: "'Wag kang pikon, magpakatotoo ka"

"Sa 3 years na 'yun. Saya! ang gaan, iwan na lang natin 'dun. Sobrang secure siya sa pagkatao niya, maganda siya pero di mo maramdaman napakasimple, magaang kasama. Very supportive sa mga kalokohan ko... Like you know, magpa-practice ako ng basketball 4 hours a day, Mag-aano ako ng negosyo ilang oras sa isang araw. 'Nung pandemic. yung trabaho ring tinanggap ko. 'Di nanunumbat. Walang ganun e. Di mo maramdaman na komplikasyon siya," ani Gerald.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sunod na naitanong ni Isko kung nakikita na ba ni Gerald ang alok na kasal para kay Julia.

"Sa five-year plan, siyempre kasama 'yan diyan. Hindi lang ako magsasabi basta kasama 'yan."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Isko Moreno Domagoso YouTube channel:

Si Gerald Anderson ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Matatandaang una niyang nakapareha si Kim Chiu. Bago ang kasakulukuyang relasyon niya kay Julia Barretto, matatandaang naging kontrobersyal ang naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo.

Read also

Gerald Anderson, sinabing magaan karelasyon si Julia Barretto

Samantala, sa isang panayam kay Bea, sinabi nitong hindi niya kayang makipagkaibigan sa ex na si Gerald Anderson. "Siguro 'yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me because he did," paliwanag ni Bea. Aniya lahat umano ng mga nasabi ng aktor sa naturang interview sa kanya ni Boy Abunda ay pawang kasinungalingan lamang nito.

Sa programa namang Fast Talk ni Boy Bunda, natanong ng naturang host kung sumama ba ang loob ni Bea sa naturang interview kay Gerald. Ngunit ngayon, masaya na sa kanya-kanyang mga relasyon ang dalawa. Si Gerald kay Julia, si Bea kay Dominic Roque.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel