Gerald Anderson sa pagpapakasal: "Malapit-lapit na syempre 35 na po ako"
- Nasabi ni Gerald Anderson na 'malapit-lapit' na umano siyang ikasal
- Isa ito sa nausisa ni Karen Davila sa panayam nito sa kanya
- Ayon pa kay Gerald, ang lahat ng ginagawa niya ngayon ay para na umano sa paghahanda niya sa pagpapamilya
- Nabanggit din niyang hindi lalaking spoiled ang kanyang mga magiging anak sa hirap umano ng buhay ngayon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
"Malapit-lapit na!" Ito ang naisagot ni Gerald Anderson nang mausisa siya ni Karen Davila kung handa na ba ang aktor na makasal.
Sa bagong vlog ni Karen, isa umano ito sa kanilang napagkwentuhan. Nang makita kasi ni Karen kung gaano ka-busy si Gerald, nausisa niya ang paglagay nito sa tahimik.
"Malapit na actually. Kailangan siya 'yung mag-ano e ng household, siya yung magbabantay."
"Malapit-lapit na, syempre 35 na po ako," dagdag pa ni Gerald.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nabanggit din niya na ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon ay para sa pagpapamilya niya. Sinabi rin niyang hindi niya palalakihing spoiled ang kanyang mga magiging anak.
"We'll see... I'm closer to that kasi five, three years ago tanong niyo sa akin 'yan, 'hindi'. Syempre that's why I'm doing all of this kasi gusto kong maalagaan ang mga anak ko na wala silang iisipin. But hindi sila pwedeng maging spoiled kasi hindi madali ang buhay."
"Everything I do in life is leading up to sa aspeto na 'yun," giit pa ni Gerald.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Karen Davila YouTube channel:
Gerald Anderson ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Matatandaang una niyang nakapareha si Kim Chiu na mula rin sa nasabing programa. Bago ang kasakulukuyang relasyon niya kay Julia Barretto, matatandaang naging kontrobersyal ang naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo.
Sa naging interview ni Isko Moreno kay Gerald, nabanggit niyang kasama umano ang pagpapakasal kay Julia sa kanyang five-year plan. Ganoon na lamang din ang papuri nito kay Julia na aniya'y napakasaya at napakagaang kasama bilang karelasyon.
Matatandaang naging kontrobersyal din ang umano'y pagtatapos ng relasyon ni Gerald kay Bea Alonzo. Gayunpaman, nagkaroon naman sila ng kani-kanilang mga karelasyon matapos ang kanila noong hiwalayan na naging usap-usapan dahil umano sa salitang 'ghosting.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh