Iwa Moto, nagkomento sa annulment post ni Jodi: "Let’s celebrate"

Iwa Moto, nagkomento sa annulment post ni Jodi: "Let’s celebrate"

- Kabilang si Iwa Moto sa nagkomento sa post ni Jodi Sta. maria kaugnay sa pagkaka-annul ng kasal nila ni Pampi Lacson

- Matapos daw ang 13 taon ay natapos na ang paghihintay ni Jodi para sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay dito

- Naghayag ng kanyang pagmamahal sa kaibigang si Jodi ang kasalukuyang partner ni Pampi na si Iwa

- Aniya ay dapat silang magdiwang dahil sa tagumpay na ito

Sa gitna ng pag-annul ng kasal nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson, isa sa mga sumuporta at bumati kay Jodi ay ang kasalukuyang partner ni Pampi na si Iwa Moto.

Iwa Moto, nagkomento sa annulment post ni Jodi: "Let’s celebrate"
Iwa Moto, nagkomento sa annulment post ni Jodi: "Let’s celebrate" (@jodistamaria, iam_iwa/Instagram)
Source: Instagram

Matapos ang mahabang proseso, kabilang si Iwa sa mga nagbigay-komento sa post ni Jodi Sta. Maria sa kanyang social media account. Sa kanyang post, ipinahayag ni Jodi ang kanyang kaligayahan at pasasalamat sa pagtatapos ng annulment ng kanilang kasal.

Read also

Annabelle Rama, muling nag-post tungkol sa tinukoy niyang 'Chucky doll'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa kanyang post, matapos ang 13 taon, natapos na ang paghihintay ni Jodi para sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay dito. Sa kanyang pagkomento, ipinaabot ni Iwa ang kanyang suporta at pagmamahal sa kaibigang si Jodi sa mahalagang yugto ng kanyang buhay.

Iwa Moto, nagkomento sa annulment post ni Jodi: "Let’s celebrate"
Iwa Moto, nagkomento sa annulment post ni Jodi: "Let’s celebrate"
Source: Instagram

Sa kabila ng mga pagsubok at kumplikasyon sa nakaraan, nagpahayag si Iwa ng kasiyahan para kay Jodi. Aniya, dapat silang magdiwang dahil sa tagumpay na ito. Ang positibong pahayag ni Iwa ay nagpapakita ng pagkakaisa at suporta para sa dating asawa ng kanyang partner.

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay may anak sa dating karelasyon na si Pampi Lacson na pinangalanan nilang si Thirdy.

Read also

Niño Muhlach sa mga bashers: "Bigat sa buhay pag puro ka negahan"

Sa kanyang post sa Instagram, binahagi ni Jodi ang throwback picture kung kailan iba pa umano ang paraan ng pakikipag-bonding sa mga kaibigan. Ginamit niya ang hashtag na #batang90s kalakip ng kanyang caption tungkol sa pagpunta sa photo studio ng mga magkaibigan para magpakuha ng litrato. Magsusulat din sila ng kanilang dedication para sa mga kaibigan sa likod ng litrato.

Kabilang si Jodi sa nag-comment sa sweet na message ni Iwa Moto para sa partner niyang si Pampi Lacson. Naglagay ng tatlong heart emojis si Jodi sa naturang post ni Iwa kalakip ng pictures nila ni Pampi. Pabiro namang sinagot ni Iwa ang comment ni Jodi at sinabi nito na may ipapabili daw siya kay Pampi. Dahil sa pagiging magkaibigan nina Iwa at Jodi ay marami ang natutuwa sa kanila sa kabila ng kanilang mga nakaraan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel